Iba't ibang lugar sa Batangas binaha, binalot ng putik dahil sa 'Kristine' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Iba't ibang lugar sa Batangas binaha, binalot ng putik dahil sa 'Kristine'
Balot sa putik ang ilang bahagi ng Laurel, Batangas matapos ang bagyong Kristine. Kuha ni Arjelous Landicho Lim

MAYNILA — Iba't ibang bahagi ng Batangas ang lubog pa rin sa malalim na baha at makakapal na putik nitong Biyernes dahil sa pag-ulang dala ng bagyong Kristine.

Sa Laurel, Batangas, makikita sa video na kuha ng residenteng Hyde Gillyn Velasco ang lagpas-taong baha na lumamon sa isang truck.

Nakuhanan din ng video ang pagragasa ng baha sa Talisay, Batangas.

Ayon kay Talisay Municipal Administrator Alfred Anciado, 6 na bangkay ang narekober na sa Bgy. Sampaloc matapos rumagasa ang baha.

Maraming barangay pa rin ang hindi mapasok ng search and rescue team.

Samantala, may mga motorsiklo na hirap dumaan dahil sa makapal na putik sa kahabaan ng Lemery Highway matapos ang malakas na pag-ulan at pagbaha sa lugar.

Marami ring residente ang patuloy na nililikas dahil sa pag-ulang dala ni Kristine.

Residente sa Agoncillo, Batangas.

Inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility si Kristine ngayong Biyernes. Ayon sa DSWD, tinatayang nasa higit 3 milyon ang taong naapektuhan ng bagyong Kristine sa buong bansa.

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT