Mga lugar malapit sa Bulkang Taal, nananatiling malabo ang kapaligiran | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga lugar malapit sa Bulkang Taal, nananatiling malabo ang kapaligiran
Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Oct 03, 2024 11:52 PM PHT

Courtesy: Bayan Patroller Jodee Cacao
Maulap at hindi halos matanaw ang Bulkang Taal nitong Huwebes ng umaga mula sa Mataasnakahoy, Batangas.

Ibinahagi ni Bayan Patroller Jodee Cacao mula sa Bgy. Lumang Lipa, Mataasnakahoy, Batangas ang ilang video kung saan mapanonood na hindi masyadong makita ang Bulkang Taal.

Aniya, Huwebes ng umaga ay may nakikita pang usok sa bulkan.

Nananatili silang alerto ng kaniyang pamilya patungkol sa aktibidad ng Bulkang Taal.
Nananatili silang alerto ng kaniyang pamilya patungkol sa aktibidad ng Bulkang Taal.
ADVERTISEMENT
Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal nitong Huwebes.

Samantalang, mula Brgy. San Jose, Tagaytay City naman ay kitang may lumalabas pang usok mula sa bunganga ng Bulkang Taal.

Samantala, kita sa mga bidyo na ibinahagi ni Bayan Patroller Bien Pablo ang makapal na usok na lumalabas sa bunganga ng Bulkang Taal eksaktong 7:37 a.m., Oct. 3, 2024.

Sa bidyo na kuha ni patroller eksaktong 3:54 p.m. ay malabo na ang kapaligiran sa mga lugar na malapit sa bulkan.

Kuha ni patroller ang mga bibyo mula sa Tagaytay-Talisay Road, Purok 156 San Jose, Tagaytay City.
Kuha ni patroller ang mga bibyo mula sa Tagaytay-Talisay Road, Purok 156 San Jose, Tagaytay City.
ADVERTISEMENT
"Nasa may taas po ako ng kalsada sabi ng bata na nausok daw po ang bulkan taal," saad ni Bayan Patroller Bien.

Ayon sa inilabas na Taal Volcano Advisory ng PHIVOLCS kahapon, Oct. 2, 6:30 p.m., nagkaroon ng "minor phreatomagmatic activity" nitong Miyerkoles sa pagitan ng 4:21 p.m. hanggang 4:32 p.m.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal ayon sa PHIVOLCS. - Cielo Gonzales, Dabet Panelo; BMPM