Batangas Vice Gov. Leviste, walang sama ng loob kay Vilma Santos-Recto

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Batangas Vice Gov. Leviste, walang sama ng loob kay Vilma Santos-Recto

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Inabandona na ni Vice Governor Mark Leviste ang kaniyang unang tangkang maluklok sa pinakamataas na posisyon sa Batangas Capitol, ito ay matapos na maghain ng certificate of candidacy si Vilma Santos-Recto para muling tumakbong gobernador.

Ayon kay Leviste, ang desisyon niyang umatras sa pagtakbong gobernador ay bilang pagpapakita ng katapatan sa mga Recto.

Kilalang kaalyado ng mga Leviste ang mga Recto.

“Matapos ang maingat na pagpapasya at pagninilay, napagdesisyonan kong  magbigay daan bilang kandidato sa pagkagobernador alang-alang sa aking relasyon, katapatan at suporta kay Governor Vilma Santos-Recto,” ani Leviste sa kaniyang press conference.

“Ang ating layunin ay palagiang mapabuti ang lalawigan ng Batangas, at patuloy natin  itong isusulong,” dagdag pa ni Leviste.

ADVERTISEMENT

Sa halip na mag-gobernador, naghain ng certificate of candidacy si Leviste sa pagtakbong kinatawan ng ikatlong distrito ng Batangas.

“Sa palagay ko, sapat na ang aking karanasan at kaalaman upang itaas  ang aking  antas bilang mambabatas at ipagpatuloy ang tagumpay ng kapitolyo sa Kongreso,” dagdag niya.

Pero kung nananatili ang katapatan at suporta ni Leviste sa mga Recto, tila hindi naman siya ang sinusuportahan ng mga Recto sa pagtakbong kongresista sa third district ng Batangas.

Sa line up ni Santos-Recto, si Atty. King Collantes ang suportado nila.

Pero sabi ni Leviste, wala naman siyang sama ng loob sa mga Recto.

ADVERTISEMENT

“Hindi ko po tinitingnan kung siya ay susuporta sa akin ,hindi naman self serving ang gesture at honor hindi lang kay Gov. Vilma kungdi sa pamilya Recto, I value and greatly honor our relationship, our friendship, my loyalty and my support to Ate Vi, she was my boss for almost  one decade,” sabi ni Leviste.

Samantala, umaasa naman si Leviste na susuportahan siya ni Kris Aquino sa kaniyang pagtakbo na kongresista.

“How I wish na matulungan niya ako,  siyempre ‘yan ay pangarap ko pero kung gagawin niya yan or hindi is another question,” ani Leviste.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.