Mga residente ng Viga, Catanduanes naghahanda na sa bagyong Pepito | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga residente ng Viga, Catanduanes naghahanda na sa bagyong Pepito

BMPM Intern,

Ma. Kyle Balleras

Clipboard

MANILA —Naghahanda na ang pamilya at mga kapitbahay ni Bayan Patroller Bernadette Turreda ngayon sa Tambongon, Viga, Catanduanes para sa papalapit na bagyong Pepito.

Ayon kay Turreda, inilagay nila ang mga sako na may buhangin (sand bags) at mga kawayan na itinali ng alambre para maiwasang liparin ang kanilang bubong kapag dumaan ang malalakas na hangin.

Bagamat nababahala, naniniwala siya na ang paghahanda ay mahalaga para maging ligtas sa harap ng kalamidad.

"Nababahala po ako, pero kailangan talaga maghanda," sabi ni Turreda.

ADVERTISEMENT

Aniya, sa kasalukuyan ay mainit ang panahon sa kanilang lugar sa Tambongon, Viga, Catanduanes, pero patuloy silang nagmamasid sa mga pagbabago ng lagay ng panahon.

Inaasahan na lalapit sa silangang bahagi ng Visayas, Bicol Region, at Quezon ang bagyong Pepito, bago tumungo sa Central-Northern Luzon area, ayon sa PAGASA.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.