Kabaong, inilikas sa gitna ng pagtaas ng tubig sa Tiwi, Albay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kabaong, inilikas sa gitna ng pagtaas ng tubig sa Tiwi, Albay

Kabaong, inilikas sa gitna ng pagtaas ng tubig sa Tiwi, Albay

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

Inilikas ng magkakamag-anak at mga kapitbahay ang isang kabaong sa mas mataas na lugar sa gitna ng pagtaas ng tubig sa dagat malapit sa Bgy. Lourdes, Tiwi, Albay nitong Sabado pasado alas-6 ng umaga. 

Kwento ni Bayan Patroller Joi Joi, nagsimula na ang pagpapalikas sa mga residente Biyernes ng gabi, Nov. 15. 

Sa katunayan ay lumikas na din ang pamilya ni Patroller sa bahay ng kamag-anak na nasa mataas na lugar. Patuloy aniya ang pagpapalikas sa mga residente sa kanilang barangay hanggang kaninang umaga.

 Ayon pa kay Patroller, nananatiling maaraw at mainit sa kanilang lugar sa kabila ng banta ng super typhoon Pepito pero napapansin niyang malakas at mataas ang alon sa dagat. 

ADVERTISEMENT

Sa inilabas na forecast storm surge warning ng PAGASA ay isa ang Tiwi sa inaasahang makararanas ng daluyong na aabot sa 2.1 hanggang 3.0 meters ang taas sa loob ng 48 oras.   

Nilinaw naman ng PAGASA na ang matataas at malalakas na alon sa Tiwi ay tinatawag na "swelling" na natural na nangyayari habang may paparating na bagyo. - Dabet Panelo, BMPM; ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.