3 bahay sa Cagayan nasunog dahil sa natumbang kandila

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 bahay sa Cagayan nasunog dahil sa natumbang kandila

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nasunog ang tatlong bahay nang matumba ang nakatirik na kandila sa paggunita ng Undas sa Barangay Macanaya sa Aparri, Cagayan, ayon sa ulat ng disaster monitoring office nitong Linggo.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nangyari ang sunog bandang 5:20 ng hapon noong Biyernes, Nobyembre 1, nang mag-alay ng kandila ang isang pamilya sa altar bilang pagalala sa yumaong mahal sa buhay.

Dalawampung indibidwal, o katumbas ng pitong pamilya, ang apektado sa sunog at tumuloy sa Toran Evacuation Center.

Tinatayang nasa P189,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

ADVERTISEMENT

Wala namang nasaktan sa insidente.

Naitala rin ang hiwalay na sunog sa mga bahay malapit sa Bagbag Public Cemetery sa Quezon City noong Biyernes.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.