Task Force Ingat Yamang Dagat, inilunsad ng coast guard | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Task Force Ingat Yamang Dagat, inilunsad ng coast guard
Bumuo ang Philippine Coast Guard ng Task Force Ingat Yamang Dagat para mapalakas ang pangangalaga sa karagatan laban sa lahat ng uri ng polusyon.

Inilusad ng PCG Marine Environmental Protection Command (MEPCOM) ang Task Force sa Manila nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, isa sa pangunahing layunin ng binuong task force ay mapalakas ang pagpapatupad ng batas sa marine environmental protection rules and regulations.

Bukod sa pagsasagawa ng mga coastal clean up, tututukan din ng grupo ang educational training, katuwang ang mga local government units, komunidad, mangingisda at environmentalist kung papaano ipatupad ang mga regulasyon sa oil pollution, mga regulasyon sa illegal, unregulated at unreported fishing, at gayundin ang garbage disposal.

Sabi ni Gavan, ang pananatiling maganda ang kalagayan ng kalusugan ng kalikasan ay obligasyon ng bawat isa at hindi lamang ng gobyerno.

“Ito ay sama-sama nating obligasyon, kaya ito ay upang mapangalagaan, hinihikayat ko po ang lahat na gawin ang ating respective share, yung mga kababayan natin na nakatira sa mga dalampasigan, sa mga ilog, sana huwag silang magtapon ng basura, sana huwag silang magtapon ng mga langis,” sabi ni Gavan.

“Yung mga barko sana sundin nila yung mga regulasyon sa papaano istore, paano idispose yung mga basura at mga langis na karga nila, sama-sama po tayo, sa mga kasama ko sa gobyerno ang pakiusap ko ipatupad po natin ng tama ang batas,” dagdag pa ng opisyal.

Aminado ang PCG na naging malaking aral sa kanila ang nangyaring oil spill sa Mindoro kaya sinisikap nilang hindi na ito maulit pa.

Dagdag pa ni Gavan, dapat hindi ningas kugon ang pagtungon ng bawat isa sa problema sa basura sa karagatan.

“Ang buhay ng bawat isa ay nakasalalay sa kalusugan, hindi lang yung pagko-coastal cleanup, hindi lang yung sa maraming billboards, gawin bilang isang kultura ng bawat Pilipino,” sabi ni Gavan.

Sa inilabas sa Plastic Polluters study noong nakaraang taon ng Utility Bidder, isang independent United Kingdom-based organization , lumalabas na nangunguna ang Pilipinas sa buong mundo sa may pinakamaraming plastic garbage na napupunta sa karagatan, na may average na 3.30 kilograms bawat tao kada taon.

Katumbas ito ng 350,000 tonelada ng plastic waste na nagmumula sa Pilipinas patungo sa karagatan kada taon o 36 percent ng total plastic waste sa buong mundo, ayon sa nasabing pag-aaral.