Babae pinatay, isinilid sa icebox dahil umano sa utang | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae pinatay, isinilid sa icebox dahil umano sa utang
Ronilo Dagos
Published May 16, 2024 11:29 AM PHT
|
Updated May 16, 2024 06:51 PM PHT

(UPDATED) Natagpuang patay at nakasilid sa isang icebox o cooler ang isang babae sa loob ng bahay ng lalaking hinihinalang pumatay sa kanya sa Trece Martires City, Cavite.

Nadiskubre ang bangkay ng 25-anyos na biktima sa Barangay Hugo Perez nitong Miyerkules ng gabi matapos itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad ng mismong asawa ng suspek.

Ayon sa ginang, tumawag sa kanya ang kanyang mister sa cellphone at inamin nito na hindi niya umano sinasadyang napatay ang biktima sa pamamagitan ng pagbigti dito gamit ang lubid.

Para maitago ang krimen, isinilid umano niya ang biktima sa isang malaking ice box.
Para maitago ang krimen, isinilid umano niya ang biktima sa isang malaking ice box.
ADVERTISEMENT
Nakunsensya umano ang suspek, na isang 36-anyos na jeepney driver, kaya sinabi sa kaniyang misis ang nangyari. Ayon sa Cavite public information office, nakikipagtulungan ang misis ng suspek sa mga awtoridad.

Naaresto ang suspek sa follow-up operation.

Matindi ang pagdadalamhati ng kinakasama ng biktima.

"Grabe ang ginawa niya. Nanlalambot ko kapag nakikita ko ang asawa ko. Napakademonyo ng ginawa sa kaniya. Ginawang laruan," ayon sa kinakasama.

Dahil umano sa alitan ang ugat ng krimen dahil sa perang pagkakautang ng suspek na hindi nito mabayaran sa biktima. -- May ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News