SAPUL SA VIDEO: Pang-aabuso, pagpatay sa aso sa Capiz | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA VIDEO: Pang-aabuso, pagpatay sa aso sa Capiz

ABS-CBN News
Published May 19, 2024 07:17 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Viral ngayon sa social media ang pang-aabuso at pagpatay sa isang aso sa bayan ng Pilar, Capiz.

Sa video, ibinitin ang aso bago paulit-ulit na pinagpapalo. Maririnig na nagtatawanan pa ang mga tao sa paligid.

Mariing kinondena ng Roxas Animal Welfare Society ang insidente.

Ayon naman kay Philippine Animal Welfare Society (PAWS) Director Anna Cabrera, sa halip na i-post sa social media ang mga insidente, dapat maghain ng reklamo ang mga nakakita.

Hinimok din niya ang mga testigo na i-report ang mga kaparehong insidente sa pulisya o barangay para mapanagot ang mga maysala.

Hindi rin kasi aniya makapaghahain ng kaso ang grupo kung walang tatayong testigo sa insidente.

"We generally do not click on forwarded videos or tagged videos unless there is a witness who can give us tangible information which may be the basis of the filing of a criminal complaint," ani Cabrera.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nagmaltrato sa aso.

— Ulat nina Rolen Escaniel at Addie Cuadra
Read More:
Tagalog news
regions
regional news
Pilar
Capiz animal cruelty
animal abuse
Philippine Animal Welfare Society
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT