10 inabandonang aso sa POGO hub sa Pampanga, ni-rescue | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 inabandonang aso sa POGO hub sa Pampanga, ni-rescue
ABS-CBN News,
Gracie Rutao
Published Jun 11, 2024 04:39 PM PHT

Dinatnan ng mga tauhan Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang ilang German Shepherd, Labrador, Siberian husky, Aspin, at iba pang breed ng aso sa pagpasok nila sa Lucky South 99 compound sa Porac, Pampanga ngayong Martes ng umaga.

Naiwang abandonado ang mga aso ng kanilang mga amo na mabilisan umalis nang magkaroon ng raid noong nakaraang linggo.

Sampung aso ang nasagip, habang isa ang namatay at nailibing na ng mga pulis.

Ayon sa PAWS, kung malusog ang hayop tulad ng aso, kayang mabuhay ng isang buwan na walang tubig at pagkain. Pero kung hindi, aabot lang nang ilang araw.

“Chineck kasi sila nung vet namen, merong may pilay, merong may scabies so feeling namin hindi naman because naiwan sila may mga sakit na talaga sila before pa,” sabi ni Martinez.

“Ang kailangan naming unang gawin, icheck namin sila isa-isa tapos kung may kailangan ipa-xray then ie-xray tapos ipapavaccine sila. Basically yun ang priority natin na maayos yung health ng mga animals na narescue natin,” dagdag niya.

Bukod sa aso, may nakita ring mga kuneho sa compound pero namatay din dahil nanghihina na.

Naging posible ang pagrescue ng PAWS sa koordinasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na siyang nangunguna sa pag-implement ng search warrant na sinimulan noong Hunyo 7.