Warehouse ng ukay-ukay sa Mandaue ni-raid ng NBI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Warehouse ng ukay-ukay sa Mandaue ni-raid ng NBI

Clipboard


Larawan mula sa NBI 7

CEBU — Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation - Cebu District Office (NBI-CEBDO) ang isang warehouse na nagbebenta ng mga bundle ng lumang damit o ukay-ukay sa Barangay Tawason, Mandaue City.

Dahil mas mura ang lumang damit, talamak ang bentahan ng ukay-ukay sa Pilipinas kahit ipinagbabawal ang commercial importation ng mga lumang damit o secondhand clothing. 

May panukalang batas na ring inihain sa Senado para gawin itong legal.

Nakumpiska ang nasa 20 bundle ng ukay-ukay na may halagang P35,100 galing sa isang alias "Audrey."

ADVERTISEMENT

Ayon kay NBI-CEBDO agent-in-charge Arnel Pura, nakatanggap ang kanilang opisina ng reklamo na kumakalat ang ukay-ukay sa palengke at ibang bahagi ng Cebu City.

 "A concerned citizen raised the issue of the serious ill-effects of this ukay-ukay as it poses health hazards and unfair competition to local garments business industry," ani Pura.

Natunton nila ang isang malaking supplier na nagsasagawa ng live selling sa Facebook. Matapos ang test buy, sinalakay na nila ito.

Nagpag-alaman nilang babae at lalaking Chinese ang may-ari ng warehouse pero wala sila nang isinagawa ang raid.

"We would continue to conduct investigation and case build-up on the recent information on hand," dagdag ni Pura.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga may-ari at mahaharap sila sa mga paglabag.

PANOORIN:




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.