Mountaineer-Priest nag-misa sa summit ng Mt. Guiting-Guiting | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mountaineer-Priest nag-misa sa summit ng Mt. Guiting-Guiting
Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Jun 12, 2024 06:35 PM PHT

Bayan Patroller Fr. Albert John Fietas

Naghandog ng misa si Bayan Patroller Fr. Albert John Fietas sa summit ng Mt. Guiting-Guiting, Sibuyan Island noong June 5, 2024.

Inialay niya ang misa sa mga pumanaw sa pinakamatarik na bundok sa Rombon kabilang na ang mountaineers at mga pasehero ng mga bumagsak na eroplano sa bundok.

"Today we celebrate the obligatory memorial of Saint Boniface, a martyr and we offer this mass to all those who died, the mountaineers who died in this mountain and secondly, for those also na passengers ng crash ng eroplano here,' ani ni Fr. Albert sa simula ng kanyang misa na ang video ay naka-post sa kanyang Facebook account.

Kuwento ni Fr. Albert na tubong Banton, Romblon, dalawang dekada na siyang mountaineer at 13 beses nang naakyat ang summit ng Mt. Guiting-Guiting. Naakyat na din niya ang ilan sa pinakamatataas na bundok sa Pilipinas tulad ng Mt. Apo sa Mindanao at Mt. Pulag sa Cordillera. Naakyat na din niya ang Mt. Kinabalu sa Malaysia at Mt. Rinjani sa Indonesia.

Sa Agosto ay nakatakda naman siyang akyatin ang Mt. Fuji sa Japan at Everest Base Camp naman sa Nepal pagdating ng Oktubre.

Ani Fr. Albert, sentimental sa kanya ang Mt. Guiting-Guiting dahil ito ang kanyang "mother mountain" o unang inakyat bilang mountaineer noong 2001. Nakaplano na aniya ang misa sa nasabing bundok noon pang 2019 pero naantala ito dahil sa pandemyag dulot ng COVID-19. Masaya siya na sa wakas ay natuloy na ang kanyang pagdaraos ng misa sa tuktok ng Mt. Guiting-Guiting na inakyat nila ng dalawang araw bago marating ang summit.

Umuulan pa aniya nang narating nila ang summit bandang ala-una ng hapon noong June 5 pero tila milagrong huminto ang ulan ng 30 minuto na, dagdag pa ni Fr. Albert ay sapat na para maidaos ang misa.

Ayon pa kay Fr. Albert, siyam lang silang magkakasama sa misa kabilang ang dalawang lay ministers, tatlong porters, isang guide, at dalawang pari na sina Fr. Krys Joseph Senerez at Fr. M. Lex Gevero na kapwa din niya mountaineer.

Dagdag pa ni Fr. Albert, layon din ng misa na magbigay kaalaman tungkol sa kagandahan ng Sibuyan Island at ang masidhing laban ng komunidad sa pagmimina sa isla. - Dabet Panelo