Jeep, bumangga sa pader sa Cavite; 12-anyos patay, 2 sugatan matapos mabagsakan ng tipak
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Jeep, bumangga sa pader sa Cavite; 12-anyos patay, 2 sugatan matapos mabagsakan ng tipak
Larawan mula sa Barangay Burol Uno

Patay ang 12-anyos na babae at sugatan ang dalawa niyang kaanak matapos mabagsakan ng pader na binangga ng jeep sa Barangay Burol 1, Dasmariñas, Cavite nitong Miyerkules.

Ayon sa Dasmariñas Police, nangyari ang insidente sa parking lot ng isang supermarket bago mag alas-9 ng gabi.

“Habang paakyat po yung itong jeep natin at may kargang saging na saba, paakyat po siya sa third level ng parking area. Bigla na lang po namatay yung makina and then nawalan po ng brake at dumaosdos po siya pababa,” sabi ni PLtCol. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas City Police Station.

“Pagdaosdos pababa tumama po ang likod sa pader at itong pader naman yung mga tipak nahulog sa kabahayan which is nagcause po ng tatlong injuries.”

Kinilala ng kaanak ang biktima na si Grace Sureta.

Kwento ng ina ng bata na si Maralyn Esmabe, nangyari ang insidente matapos nilang kumain ng hapunan.

“Naghiga-higa yung anak ko sa may bandang pintuan sa upuan kasama yung bunso kong anak. Mga ilang minuto pinaglayo ko dahil nagtatalo sila sa cellphone. Maya-maya bigla na lang ako makarinig ng lagabog, buhos ng bato. Pagtingin ko yung anak ko wala nang buhay, nadaganan ng malaking bato galing sa third floor,” sabi ni Esmabe.

Dinala sa ospital ang 1-taong-gulang na bata para bigyang paunang lunas ang minor injuries, habang ang nanay niya ay hindi na nagpatingin.

Dagdag ng ina ng biktima, mula Batangas dumayo lang sila sa Dasmariñas para magbakasyon.

“Nagpunta po kami dito para magbakasyon. Sa kasamaang palad ganun pa nangyari. Panganay ko pong anak [yung biktima] kagragraduate lang po nun. Malaki ang pangarap ng anak ko sa buhay. Nawala nalang ng ganun kabilis ng dahil sa aksidente na yan,” sabi ni Esmabe.

Dagdag niya, nagpaabot ng tulong pinansyal ang may-ari ng supermarket.

Ayon sa pulisya, tumakas ang 38-anyos na driver ng jeepney matapos ang insidente.

“Ito pong driver natin kagabi matapos ang insidente, kinausap ng security guard. Tapos dumating po yung mga kamag-anakan ng biktima. So sa takot po niya, kasi nakuyog po siya, tumakas po yung suspek. Yung suspek po biyahero po siya,” sabi ni Balano.

Nanawagan ang pamilya ng biktima sa driver.

“Magpakita ka, harapin mo kami kung talagang may ano ka sa bata sa anak ko na ganun ganun lang nawala ang buhay. Kasi sabi willing ka naman sumuko, bakit ganito wala? Hanggang ngayon wala,” sabi ni Esmabe.

Patuloy na tinutugis ng mga pulis ang driver at nakikipag-ugnayan na ang awtoridad sa pamilya ng driver.

Nakatakdang iuwi sa Batangas ang labi ng biktima para doon ililibing.