49 pulis sa Bamban inalis sa pwesto kaugnay ng POGO raid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

49 pulis sa Bamban inalis sa pwesto kaugnay ng POGO raid

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 05, 2024 12:07 AM PHT

Clipboard

Courtesy: PRO3 

Inalis sa pwesto ang 49 pulis ng Bamban Municipal Police Station sa probinsya ng Tarlac kaugnay sa malakihang Philippine offshore gaming operations (POGO) compound na natagpuan sa loob ng munisipalidad noong Marso.  

Ayon kay PBGEN Jose Hidalgo Jr, hepe ng Region 3, epektibo June 3, 2024 ang pagtanggal sa pwesto ng mga pulis sa Bamban. Isinagawa naman ang turnover at relief ng mga tauhan ng nasabing istasyon ngayong alas 7:30 Martes ng umaga.

Pansamantalang hahalili sa kanila ang mga tauhan mula sa 1st PMFC, 2nd PMFC, Tarlac City PS, Concepcion MPS, at Capas MPS.

Ayon kay PCol Jean Fajardo, tagapagsalita ng Pambansang Pulisya, minarapat ng pamunuan ng PRO3 na tanggalin pansamantala ang buong tauhan ng Bamban Municipal Police Station upang bigyang daan ang imbestigasyon kung paano nagpapatuloy ang POGO sa Bamban.

ADVERTISEMENT

"Kung matatandaan niyo po, nagkaroon ng panawagan na imbestigahan din po kung nagkaroon po ba ng kapabayaan ang ating mga pulis diyan sa Bamban considering na matagal na pong nag-o-operate itong mga POGO at may mga reports na may mga illegal activities," aniya.

Una nang inutos ni Ombudsman Samuel Martires na ilagay sa preventive suspension si Bamban Mayor Alice Guo, Bamban business licensing officer Edwin Ocampo at Bamban Municipal Legal Officer Adenn Sigua dahil sa paglabas ng lisensiya sa Hongsheng Gaming Technology Inc., na siyang nag-o-operate ng POGO, kahit paso na ang lisensiya nito sa PAGCor. 

Pansamantalang ilalagay ang mga tinanggal na pulis sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng Police Regional Office 3 para sumailalim sa FORM POLICE, sa Schools for Values Formation ng PNP Training Service sa Subic.

Ang FORM POLICE ay 30-araw na programa para sa mga pulis na may layuning Focused Reformation/Reorientation and Moral Enhancement. Ito ay isang programa ng values formation and re-orientation program. Bahagi ito ng PNP internal cleansing sa pamamagitan ng patuloy na re-training program para ituwid ang mga maling gawain ng mga pulis.

“Alam naman po ng mga pulis natin na pagka merong ganitong imbestigasyon ay para mawala 'yung isipin na nagkakaroon ng cover-up, naipaliwanag naman ito...Kung mapatunayan naman po na wala naman silang naging kapabayaan, wala pong basehan para sila ay sampahan ng reklamo maging administratibo o kriminal ay maari naman po silang ibat sa kanilang dating assignment po," ani Fajardo.  -Ulat ni Gracie Rutao




ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.