Landslide, baha naranasan sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa habagat

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Landslide, baha naranasan sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa habagat

Hernel Tocmo,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagsagawa ng rescue operations ang 2nd Zamboanga City Mobile Force Company sa mga residenteng na-trap sa kani-kanilang bahay dahil sa baha. Courtesy 2nd ZCMFC9Nagsagawa ng rescue operations ang 2nd Zamboanga City Mobile Force Company sa mga residenteng na-trap sa kani-kanilang bahay dahil sa baha. Courtesy 2nd ZCMFC9

Nagdulot ng baha at landslide ang matinding ulan na naranasan sa ilang bahagi ng Mindanao Biyernes ng hapon hanggang gabi.

Sa Davao City, umapaw ang tubig sa ilog at naapektuhan ang ginagawang tulay sa Brgy. Tapak, Paquibato district Biyernes ng hapon.

Natabunan naman ng landslide at di madaanan ng mga motorista ang bahagi ng Barangay Tapak. 

Nagtulong-tulong ang mga residente na maalis ang putik at madaanan muli ang kalsada.

ADVERTISEMENT

Sa Lanao del Sur, halos tangayin ng rumaragasang baha ang isang pickup na na-stranded sa Brgy. Bagoaingud sa bayan ng Malabang kagabi.

Ayon kay Kairuden Lawi, tumirik sa kalsada ang pickup at inabutan ng mataas na tubig na umabot hanggang baywang.

 "Naitulak naman po ang pickup mula sa baha at nakalabas naman ang mga sakay. Safe sila," kwento ni Lawi sa ABS-CBN News.

Sa Zamboanga City, nagsagawa ng rescue operations ang 2nd Zamboanga City Mobile Force Company sa mga residenteng na-trap sa kani-kanilang bahay dahil sa baha.

Sa Sultan Kudarat, hindi madaanan ng mga sasakyan ang Sebayor Bridge matapos nasira dahil sa baha. Hindi rin madaanan ang Sinandigan Bridge sa bayan ng Palimbang na nasira rin dahil sa rumaragasang ilog. 

Samantala, nakita na kahapon ang bangkay ng pitong taong gulang na batang babae na naiulat na missing sa nangyaring baha kamakailan sa bayan ng Matanog, Maguindanao del Norte.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.