Babae chinop-chop, inilibing sa silong ng bahay

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae chinop-chop, inilibing sa silong ng bahay

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 23, 2024 08:18 PM PHT

Clipboard

Isang babaeng tatlong linggo nang nawawala ang natagpuang nakalibing sa silong ng kaniyang bahay at na-chop-chop sa Lucena City, Quezon.

Nabunyag ang krimen nitong hapon ng Lunes matapos umamin sa pulis ng suspek, na live-in partner ng biktima.

Pero sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, nabatid na hindi lang isang bangkay ang nakalibing sa bahay sa Barangay 5 kundi may isa pang biktimang napatay nila ng kaniyang kinakasama noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng Lucena pulis, umamin ang 29-anyos na suspek na napatay niya ang 28 anyos na kinakasamang babae noong Hunyo 30.

ADVERTISEMENT

Nag-away umano sila at nasaksak niya ng ice pick ang kinakasama, na ikinasawi nito.

Upang maitago ang krimen, hinati niya sa tatlo ang bangkay at sinilid sa tig-iisang sako na ibinaon sa silong ng bahay.

Inamin din ng suspek na may nakabaon pang isang bangkay doon na kinilalang si Analyn Orjejada, na napatay naman nila umano ni Ronalyn noong Marso 2023.

Isinilid nila ito sa plastic na drum at inilibing sa sahig ng bahay at saka sinimentuhan.

Nitong Lunes ng hapon, nahukay na ng pulisya at mga tauhan ng  SOCO ang mga labi ng dalawa.

Nakapiit na sa Lucena custodial facility ang suspek at nahaharap sa mga kasong murder.

— Ulat ni Ronilo Dagos

FROM THE ARCHIVES



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad