Mag-live-in partner dinukot sa Cainta, Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-live-in partner dinukot sa Cainta, Rizal
Ronilo Dagos,
ABS-CBN News
Published Jul 31, 2024 09:40 PM PHT

Photos courtesy of PRO 4A

MAYNILA -- Dinukot umano ng tatlo o higit pang mga hindi nakilalang suspek na sakay ng isang van ang isang mag-live in partner noong Lunes ng madaling araw sa Cainta, Rizal.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronnie Ignacio, 33-anyos, at live-in partner nito na si Mary Grace Frondozo, parehong residente ng Ginseng Road, Robinsons Homes, Brgy. San Jose, Antipolo City.

Ayon sa report ng Cainta police, nakita ang abandonadong sasakyang SUV ng mga ito na sa harap ng isang business establishment, Barangay Sto. Domingo, Cainta.

Kinumpirma ng ama ng biktimang babae na nawawala ang dalawa simula pa noong Lunes ng madaling araw.
Kinumpirma ng ama ng biktimang babae na nawawala ang dalawa simula pa noong Lunes ng madaling araw.
ADVERTISEMENT
Ayon dito, bandang alas 4:00 ng mag-text sa kanya ang anak na pauwi na sila at nagtanong pa ito kung ano ang pagkaing gustong ipasalubong sa kanila.

Subalit iyon na ang huling komunikasyon ng dalawa at hindi na muli nakontak ang mga ito hanggang sa ngayon.

Nang maireport ang insidente noong Lunes ng tanghali, agad nagsagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Cainta at police.

Base sa kuha ng CCTV mula sa Municipal Protection Security Office (MPSO) sa Brgy. Sto. Domingo at iba pang mga kalapit na establisyemento, nakitang sapilitang isinakay ng mga suspek ang dalawa sa isang kulay puting van na walang plaka.

Nagsagawa pa ang mga awtoridad ng follow up operation at backtracking at forward tracking sa mga kuha ng CCTV sa posibleng dinaan ng van.

Subalit sa kasamaang palad ay hindi gumagana ang maraming CCTV partikular sa kahaban ng Imelda Avenue dahil sa pagkapinsala dulot ng nakaraang pagbaha sa lugar.

Patuloy pa ang follow up operation ng mga awtoridad.