Mag-live-in partner na bitbit ang bangkay ng kanilang sanggol, patay sa aksidente
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mag-live-in partner na bitbit ang bangkay ng kanilang sanggol, patay sa aksidente
ABS-CBN News
Published Jul 04, 2024 02:55 PM PHT
|
Updated Jul 05, 2024 07:10 AM PHT

Patay ang mag-live-in partner matapos madisgrasya habang sakay ng motorsiklo sa bayan ng Leon B. Postigo, Zamboanga del Norte, sabi ngayong Huwebes ng mga awtoridad.

Nasagi noong Lunes ng mga biktimang sina Ronald Canion, 33, at Roxanne Dipolog, 27, ang kasabay ng motorsiklo habang tinatahak ang paakyat na kalsada sa may Barangay Delusom, sabi ni PMaj. Anjelo Acuzar, hepe ng Leon B. Postigo police.

Dahil dito, bumangga sila sa kasalubong na pick-up truck na pababa naman ang direksyon.

Kahit tumilapon mula sa motorsiklo, yakap pa rin ng ina ang bangkay ng kaniyang sanggol. Hindi agad malinaw kung bakit dala ng dalawa ang bangkay.

Dead on arrival na nang dumating sa ospital ang mag-live-in partner.

Itinuturing umano ng mga awtoridad na "accident prone area" ang daan.

Nawasak naman ang harapang bahagi ng pick-up truck.

Hindi na nagsampa ng reklamo ang pamilya ng mga nasawi habang nangako naman ang may-ari ng sasakyan na tutulong sa gastos sa pagpapalibing.

— Ulat ni Dynah Diestro
IBA PANG BALITA:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT