2 batang natagpuan sa loob ng kotse, suffocation ang ikinamatay: pulisya
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 batang natagpuan sa loob ng kotse, suffocation ang ikinamatay: pulisya
Gracie Rutao,
ABS-CBN News
Published Jul 09, 2024 05:50 PM PHT
|
Updated Jul 10, 2024 09:29 AM PHT

Suffocation o kawalan ng hangin ang tinuturong sanhi ng pagkamatay ng dalawang batang natagpuan sa loob ng sirang sasakyan sa Sto Tomas, Pampanga nitong Lunes.

Ayon kay PMaj. Noel Villaroel, medico legal officer ng Regional Forensics Unit 3, wala silang nakikitang foul play sa insidente pero batay sa autopsy findings ay "asphyxia by suffocation" ang sanhi ng pagkamatay ng magkapatid.

"Based doon sa findings sa kanya, wala namang mga ibang external injuries aside dun sa isang victim meron lang siyang abrasion dun sa right forehead niya then dun sa isang victim mayroong concussion dun sa right knee and right leg... Probably yung mga injuries sustain is caused by trauma. Tumama sa isang bagay probably nung nawalan ng consciousness tumama sa isang matigal na bagay," paliwanag ni Villaroel.

Dagdag niya, maaaring mawalan ng malay ang isang tao kung makulong sa kulob na lugar nang kahit 10 minuto lang.
Dagdag niya, maaaring mawalan ng malay ang isang tao kung makulong sa kulob na lugar nang kahit 10 minuto lang.
ADVERTISEMENT
"As early as 10 minutes pwedeng maging unconscious yung isang biktima lalo na kung confine place tapos closed ang windows walang ventilation, as early as 10 minutes pwedeng mag-unconscious yung ating victim then will lead to unconsciousness tsaka death," sabi niya.

Sa pagsisiyasat ng CCTV ng punerarya na namamahala sa pribadong lote kung saan natagpuan ang mga labi ng bata, Sabado ng hapo nang mahagip ang pagpasok ng magkapatid sa lugar. Dumiretso ang mga ito at naglaro sa sirang puting van na bukas ang likod.

Hindi na nahagip ng kamera kung paano nakarating ang dalawa sa sasakyan kung saan sila natagpuang wala nang buhay.

"Yung dati nakabukas yung sa side sa driver. Kasi hindi namin alam labas pasok yung mga bata dyan naglalaro. Private lot kasi yan kaya lang naka-open garage siya. Wala pong pumupunta doon madalang lang atsaka hindi mo makikita," sabi ni Alquin Teng, may-ari ng punerarya.

Nadiskubre ang labi ng dalawang bata nitong Lunes ng hapon matapos maalerto ang mga pulis na nilalangaw at nangangamoy na ang paligid ng sasakyan.

Aminado si Daina Castro, ina ng dalawang bata, na hindi siya nag-aalala sa pagkawala ng mga anak noong Sabado dahil inakala niyang kasama ng mga ito ang kanilang ama.

Sabi naman ng pulisya, posibleng may pananagutan ang mga magulang sa nangyari sa mga anak.

"Probably mayroon pong negligence in the part of the parents, considering na July 6 pa nawawala hindi man lang nag-exert ng effort na hanapin o i-locate yung kanilang mga anak. That's why nakikipagcoordinate kami sa DSWD kung ano pa po yung mga kaukulang kaso na pwede nating maikaso sa mga magulang ng mga biktima," ayon kay PCol. Jay Dimaandal, hepe ng Pampanga police.

Nakaburol ang mga labi ng magkapatid sa bahay ng pamilya.

Matatandaang nito lang Marso, dalawang bata rin edad 2 at 3 naman ang natagpuang patay matapos makulong sa loob ng isang nakaparadang kotse sa Angeles City.