2 bayan lubog sa baha sa Occidental Mindoro | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 bayan lubog sa baha sa Occidental Mindoro

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Lubog sa baha ang maraming barangay sa mga bayan ng San Jose at Calintaan sa Occidental Mindoro dahil sa ilang araw nang walang tigil na buhos ng malakas na ulan.

Ayon kay Gil Gendrano, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO ng San Jose, kabilang sa mga barangay na binaha ay ang Mangarin, Mapaya,Bagong Sikat, San Roque at Labangan.
Umabot hanggang baywang ang baha  kaya nagsagawa ng preemptive evacuation simula pa Biyernes ng gabi.

Sa tala ng MDRRMO San Jose, nasa 118 pamilya  o higit 400 residente ang inilikas.

Pinasok ng tubig ang maraming bahay at maraming kalsada ang hirap madaanan.

ADVERTISEMENT

Lubog din sa baha ang mga palayan.

Ayon pa sa MDRRMO, umapaw ang mga ilog ng  Pinamaan at  Palamiran  dahil sa malakas na ulan dulot ng habagat na pinalakas ng Bagyong Ferdie

“Malakas ang ulan dito sa amin tapos sinasabayan pa ng high tide  ng madaling araw kaya bumaha,mga tatlong araw ng umuulan, nagrequest na rin ako sa OMECO na icut yung power sa mga lugar  na nakaranas ng pagbaha “ sabi ni Gendrano.

Apat na barangay din ang lubog sa baha.

Sinabi ni Mayor Dante Esteban, hirap madaanan ang mga kalsada. Pinaka-naapektuhan ng baha ang mga magsasaka at mangingisda.

ADVERTISEMENT

“Isolated nga ang munisipyo dahil yung palibot ng mga kalsada sa Poblacion  ay talagang malalim  tapos yung spillway namin sa national highway  kanina ay hindi siya passable, 'yung mga magsasaka ay aanihin na ang palay  pero dapa na ang mga palay ngayon plus walang huli ang mga mangingisda dahil sa malaking alon “ sabi ni Esteban.

Ilang residente  din ang kailangang irescue ng MDRRMO, AFP at BFP matapos ma-stranded sa baha sa Sitio Anahawin at Sitio Balagbagan sa Barangay Poblacion.

Lubog din sa baha ang mga bayan ng Magsaysay at Rizal.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.