5 suspek sa pagdukot at pamamaril sa mag-live in partner, arestado
ADVERTISEMENT

Jeff Caparas,
ABS-CBN News
Published Sep 20, 2024 07:23 PM PHT

TANAUAN CITY — Arestado sa manhunt operation ng Tanauan City Police ang limang miyembro ng drug group na “Sako Gang” sa Entertainment City sa Parañaque nitong Sabado, Setyembre 14.

Kinilala ni Lt. Col. Virgilio Jopia, hepe ng Tanauan City Police ang mga naaresto sina Lauren James Hilario ang tinuturong lider umano ng grupo, Jonald Garcia, dismissed na pulis na si dating Corporal Dominic Enguio, Ryan Del Rosario at Ronald James Sotolombo na nasampahan na ng kasong murder at frustrated murder sa Regional Trial Court ng Batangas.

Ang grupo umano ang responsable sa pagdukot sa mag live in partner sa Carmona, Cavite na kalaunan pinababaril sa Tanauan City noong Setyembre 10. Patay ang lalaki at nabuhay naman ang babae.

Stable na ang lagay ng babae, at naituro niya ang mga responsable sa pagdukot at tangkang pagpatay sa kanya.
Stable na ang lagay ng babae, at naituro niya ang mga responsable sa pagdukot at tangkang pagpatay sa kanya.
ADVERTISEMENT
“Based dun sa testimony ng binaba sila sa Montero medyo may nakapa silang lupa na parang pagbabaunan, nagsisigaw itong biktima ring lalake at medyo na-rattle itong mga suspeks, kaya hindi na, mabilisan lang pinagbabaril in fact yung babae nung natamaan siya gumapang pa siya ng few meters, lumapit siya dun sa katawan ng kanyang boyfriend o live-in partner at sinabi niya na kahit mamatay man lang ako eh di magkatabi kami mamamatay,” sabi ni Police Colonel Jack Malinao, Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office.

“Based dun sa research namin they were notoriously known as the 'Sako Gang' primarily involved in the distribution of illegal drugs particularly in NCR, particularly in Pasay, Manila and also dito sa Region 4. So in the course of the continuous investigation, the surviving witness lalong lalo na yung babae, he identified an ex-police officer, ex-PNP na the one na talagang namaril sa kanila at the employ of the mastermind,” dagdag niya.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang caliber 40 na baril, granada, dalawang kalibre 45 baril, 9-mm na baril at mga bala sa cross matching mula sa mga basyong narekober kung saan natagpuan ang mga biktima.

Droga umano ang ugat ng krimen.
Droga umano ang ugat ng krimen.
“Kasama dun yung principal suspek, yes yung pinaka-mastermind sa pagpatay at the same time yun din yung tumatayong lider nung kanilang grupo kasi as we all know as I mentioned din previously lahat ng personalidad including the victims ay involved sa illegal drugs. Mismo yung dismissed na pulis ang bumaril mismo dun sa asawa. Yung aktibong pulis ang kumuha ng mga sasakyan na gagamitin, siya yung nagplano kung paano i-execute yung pagpatay.” sabi ni Police Lieutenant Colonel Virgilio Jopia, hepe ng Tanauan City Police.

“In the course of the interview meron putok, o deliverables o payables na P2.5 million na after consignment of certain quantity of drugs to the victims hindi nakabayad. So dun nga that prompted the suspects to arrange a meeting,” sabi naman ni Malinao.

Tumanggi namang magbigay na pahayag ang mga suspek pero ang itinuturong lider ng grupo itinanggi ang mga paratang.

“Wala ako po akong alam. Wala po alam yung binibintang nila sa totoo lang,” sabi ni Lauren James Hilario.

Bukod sa mga arestadong suspek, pinaghahanap pa ang ibang kasabawat ng mga ito kabilang ang isang aktibong pulis.

“Hindi lang yung isang aktibong pulis at isang dismissed na pulis ang na identify natin, to include na identify din at naalala ng biktima na yung dalawang sinasabi na barangay elected official sa lungsod ng Calamba… During our last follow up investigation sila ay di na matunton din eh, alam na rin nila na tukoy na sila ng kapulisan ng Tanauan,” sabi ni Jopia.

Natagpuan na nitong isang linggo, September 17 ang ang abandonadong sasakyan ng mga biktima sa bahagi ng Maharlika Highway sa Sto Tomas, Batangas.

Patuloy namang pinaghahanap ang SUV na ginamit ng mga suspek sa krimen.

Patuloy ding pinaiimbestigahan ng PNP Calabarzon ang iba pang krimen sa rehiyon at Central Luzon na posibleng konektado sa umano’y notorious drug group.