Rizal hinagupit ng baha, landslide dahil sa bagyong Enteng
ADVERTISEMENT
Rizal hinagupit ng baha, landslide dahil sa bagyong Enteng
Patrol ng Pilipino
Published Sep 03, 2024 07:42 PM PHT
MANILA—Tinamaan ng malalalim na baha ang maraming bahagi ng probinsya ng Rizal kasunod ng mga ulang dala ng Bagyong Enteng noong Lunes.
Napilitang sumuong sa baha at maghanap ng iba-ibang paraang makatawid ang mga residente sa Cainta at San Mateo.
Dahil din sa sama ng panahon, gumuho ang lupa sa ilang bahagi ng Antipolo City, na ikinamatay ng 4 na residente–kabilang ang isang buntis na nasa kabuwanan na.
Walo ang kabuuang naitalang namatay sa Antipolo City dahil sa mga epekto ng bagyo sa huling tala nitong Martes.
ADVERTISEMENT
Sa buong Rizal, 11 katao na ang death toll, habang anim ang nawawala.
– Ulat ni Katrina Domingo, Patrol ng Pilipino
Video edited by Jhonas Cabutin & Cyl Pareja
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT


