Palarong Pambansa: Anak ng mangingisda, nasikwat ang ginto, bagong record sa javelin throw | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Palarong Pambansa: Anak ng mangingisda, nasikwat ang ginto, bagong record sa javelin throw

Karl Cedrick Basco,

ABS-CBN News

Clipboard

Binura ni James Lozanes ang apat na taong Palaro record na 57.81 meters na naitala noong 2013 nang rumehistro ng 59.46-meter throw ang 17 taong gulang na tubong Iloilo.

ANTIQUE – Nasukbit ng 17 taong gulang na si James Lozanes ang unang ginto ng host region Western Visayas sa Palarong Pambansa 2017 matapos pagharian ang secondary boys' javelin throw sa Binirayan Sports Complex sa Antique Lunes.

Binura ni Lozanes ang apat na taong Palaro record na 57.81 meters na naitala ni Bryan Pacheco noong 2013 nang rumehistro ito ng 59.46-meter throw.

Nagkasya naman ang isa pang kalahok mula Region 6 na si Ronald Lacson sa pilak na medalya, habang inuwi ni Manny Maquiling Jr. ng Region 10 ang tanso.

Ayon kay Lozanes, ito ang unang pagkakataon na nakalahok siya sa pinakamalaking kompetisyong pang-isports sa bansa.

ADVERTISEMENT

Hindi napigilang mapaluha ni Lozanes na anak ng mangingisda sa ikalimang distrito ng Iloilo sa sobrang kasiyahan matapos magkampeon sa nasabing paligsahan.

“Pito kaming magkakapatid, pang anim ako. Ito ‘yung first time ko lumaban sa Palaro dati hanggang regional [meet] lang naaabot ko,” ani Lozanes.


Panoorin ang huling bato ni James Lozanes sa javelin throw competition ng Palarong Pambansa 2017. Kuha ni Karl Cedrick Basco.

Mahigit sa isang buwan lamang ang naging pagsasanay ni Lozanes, na siya ring nanguna sa Western Visayas Regional Athletic Meet, para sa patimpalak sa Antique.

Sa edad na 10, nagsimulang matuto ang Grade 10 student ng Estancia High School na maglaro ng javelin throw ngunit ito lamang taon nabunga ang kanyang pitong taong paghihirap sa isport.

Sa kasalukuyan, wala pang malaking paaralan ang humihikayat sa kanya pero nais niyang maging pulis sa hinaharap.

ADVERTISEMENT

“Gusto ko mag-take ng criminology. Miyembro rin kasi ng army iyong isa kong kapatid,” tugon ni Lozanes.

Ibinahagi rin ng atleta ang kanyang naging pagsasanay sa loob ng 42 araw kung saan tatlong beses kada araw siyang nagbubuhat ng dumpbells na may timbang na 20 kilos.

Muli siyang sasabak sa track oval para sa discus throw kung saan pumangatlo siya sa regional meet.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.