SILIPIN: Pag-eensayo ni Pacquiao para sa laban kontra Matthysse

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SILIPIN: Pag-eensayo ni Pacquiao para sa laban kontra Matthysse

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Patuloy ang matinding pagsasanay ni Manny Pacquiao sa kaniyang kampo sa General Santos City bilang paghahanda para sa kaniyang laban kontra Argentinian fighter Lucas Matthysse.

Kasama ni Pacquiao sa kaniyang pagsasanay ang Australian na si George Kambosos at Pinoy junior middleweight na si Arnel Tinampay.

Ayon sa 39 anyos na boksingero, pursigido siyang manalo at maagaw ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt kay Matthysse.

"I'm not thinking iyong age ko, kung ilang taon na ako pero motivation kong mag-champion ulit at makuha iyong korona," sabi sa panayam ni Pacquiao.

ADVERTISEMENT

Tutok din sa bawat detalye ng pag-eensayo ang team ni Pacquiao.

"Kailangan si Matthysse ang maunang gumalaw, siya muna gumawa action, saka tayo magka-counter," ani head coach Buboy Fernandez.

Sabi naman ni coach Nonoy Neri: "Pinagtutuunan namin ng pansin iyong jab ni Manny kasi iyon ang No. 1 na talagang mawawala si Matthysse, kapag ginamit iyong jab."

Kasabay ng pagpapalakas ng katawan at kondisyon, inaasikaso rin ni Pacquiao ang pag-promote sa laban.

"Di na bago sa akin 'yan (promotion), I just need people to work hard and follow my order," sabi niya.

ADVERTISEMENT

Sa Hulyo 15 nakatakda ang laban ni Pacquiao at Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Samantala, natanggap na ng sorbeterong si Marcelino Entia ang ipinangakong bahay at lupa mula kay Pacquiao.

Una nang binigyan ni Pacquiao ng P33,000 cash ang sorbetero para sa matrikula ng mga anak. Ito ay habang bumibili ang boksingero ng ice cream sa kaniya matapos mag-ensayo.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.