Pacquiao, wagi kontra Lucas Matthysse

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pacquiao, wagi kontra Lucas Matthysse

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 15, 2018 07:42 PM PHT

Clipboard


Nakamit ni Manny Pacquiao ang World Boxing Association (WBA) welterweight world title matapos talunin nitong Linggo si Lucas Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagwagi ang 39 anyos na boksingero laban sa Argentinian fighter sa pamamagitan ng technical knockout win sa ikapitong round.

Isang uppercut ang binitawan ni Pacquiao para mapabagsak sa ikatlong pagkakataon sa laban si Matthysse.

Unang napaluhod si Matthysse sa ikatlong round matapos magpakawala ni Pacquiao ng jab uppercut combination, sunod ay sa ikalimang round sa pamamagitan ng right hook combo.

ADVERTISEMENT

Ito ang ika-60 panalo ng binansagang "Pambansang Kamao" sa loob ng kaniyang 23 taong karera.

Ito rin ang unang knockout ni Pacquiao mula 2009, nang patumbahin ang Puerto Rican na si Miguel Cotto.

Inamin ni Pacquiao na ikinagulat niya ang pagkapanalo.

"I'm surprised because Matthysse is a very tough opponent and I knocked him down. So that's a bonus for being focused and patient in the fight," sabi ni Pacquiao.

Nais din ni Pacquiao na mag-promote ng iba pang mga laban sa Asya.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa mga lumipad papuntang Malaysia para suportahan si Pacquiao sina Pangulong Rodrigo Duterte, ang anak nitong si Sebastian "Baste" Duterte, at Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go.

Dumalo rin sa laban ang mga kasamahan ni Pacquiao sa Kongreso gaya nina Senador Ralph Recto at JV Ejercito, Buhay Party-list Rep. Lito Atienza, at PBA Party-list Rep. Jericho Nograles.

Naroon din sina Solicitor General Jose Calida, dating senador Ferdinand Marcos Jr., at Taguig Mayor Lani Cayetano.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.