2 mag-aaral, umano’y sangkot sa pandaraya sa Special Games ng Palarong Pambansa

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 mag-aaral, umano’y sangkot sa pandaraya sa Special Games ng Palarong Pambansa

Kristine Sabillo,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang kaso ng umano'y pandaraya sa Special Games for Students with Disabilities ng Palarong Pambansa kung saan pinagpanggap umano ang ilang estudyante na may kapansanan para makalahok sa timpalak noong 2015.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News, inamin ng 2 estudyante na planado ng kanilang paaralan na pagpanggapin silang magkakaibigan na may kapansanan para manalo sa sports events kung saan nasungkit nila ang gold medal sa basketball at shot put.

Ayon sa isa sa mga estudyante, binigyan sila at kanilang mga coach ng incentives kung saan nakatanggap pa siya ng nasa P28,000 noong nagka-gold medal.

Pero ayon sa Antipolo City Special Education Center, totoong SPED students ang mga estudyante at nag-improve lang dahil sa pagsama sa kanila sa mga regular students.

ADVERTISEMENT

Paliwanag naman ng isa sa mga estudyante, tinuruan lang din silang dayain ang assessment para payagang makasali sa Special Games.

Nagbabala naman ang DepEd-Antipolo na mahaharap sa mga kasong administratibo ang mga emplayado ng DepEd na mapapatunayang sangkot sa umano'y pandaraya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.