ICYMI: Pinay, naging Olympic torchbearer

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ICYMI: Pinay, naging Olympic torchbearer

Rose Eclarinal,

ABS-CBN Europe News Bureau

Clipboard

PARIS - High na high na sa Olympic fever ang Paris sa opening ceremony nitong Biyernes, July 26. Hindi pahuhuli ang mga Pinoy na bukod sa direktang partisipasyon ng mga hinahangaang atleta ng Team Philippines, ay nakikilahok din sa iba pang related events. Isa na rito ang paghahatid ng Olympic torch sa Paris.


Kasabay ng pagdiriwang ng Bastille Day, ang French National Day, noong July 15, dumating sa Paris ang inaabangang Olympic torch. Nagmula sa Greece ang Olympic torch relay noong May 8 at para makarating sa France, tinawid nito ang Mediterrenean at dinaanan ang anim na French territories na Guyana, Guadeloupe, Martinique, New Caledonia, French Polynesia at Reunion Island.



At sa mahigit 200 torchbearer na nagpasa-pasahan sa pagdating ng Olympic torch sa France, isang Pinay ang taas noong napabilang dito: ang Dubai-based na si Marie Therese De Ocampo. Nagtatrabaho si Marie Therese bilang account manager ng kumpanyang Arena Middle East & Asia, isang large-scale temporary events infrastructure sa Dubai.


Para kay Marie Therese, ang mapabilang sa mga Olympic torchbearer para sa Paris 2024 ay isang malaking karangalan dahil hindi lamang ang pangalan niya ang kanyang bitbit dito kundi pati na ang bandila ng Pilipinas. Siya ay isa sa torchbearer sa Haute-Garonne.


As a proud Filipino, I am truly honored to have been chosen as one forerunner to carry the prestigious Olympic Torch last 17th of May in Bagneres-de-Luchon, Haute-Garonne, France.” sabi ni De Ocampo. 



Nakakataba rin ng puso, ayon pa kay Marie Therese, ang napakainit na pagsalubong sa kanila ng mga mamamayan ng France habang bitbit ang Olympic torch.


“The local people warmly welcomed us and cheered us on,” ayon kay De Ocampo. 


Umaapaw ang kanyang pasasalamat sa napakalaking pagkakataong naibigay sa kanya na maging bahagi ng isa sa mga pinaka-prestihiyosong sporting event sa mundo.


“I am very thankful to Paris Olympics, my colleagues, family, and friends who supported me throughout this journey. It is indeed a milestone,” saad ni De Ocampo.


(Kasama ang report ni Ma-Anne Rivera sa France) 


Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa partisipasyon ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.



Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.