Patrol ng Pilipino: Full recovery ng ozone layer, inaasahan sa 2060s | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Full recovery ng ozone layer, inaasahan sa 2060s

ABS-CBN News
Published Nov 13, 2023 10:07 PM PHT

MAYNILA – Sa dalawang taon na nasa ilalim ng pandemya ang buong mundo, naitala rin ang unti-unting paggaling ng ozone layer ayon sa ulat ng United Nations (UN).

Inaasahan sa taong 2060 ang full recovery nito.

Taong 2000 nang naitala ang pinakamalaking butas sa ozone layer na may sukat na 28.4 million square kilometers.

Ang ozone layer ang pumoprotekta sa mundo sa nakamamatay na ultraviolet radiation mula sa araw.
Ang ozone layer ang pumoprotekta sa mundo sa nakamamatay na ultraviolet radiation mula sa araw.
ADVERTISEMENT
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), bumilis ang recovery ng ozone layer dahil nabawasan ang polusyong dala ng mga pabrika at sasakyan noong 2020.

Malaki rin ang naiambag ng 1987 Montreal Protocol na ipinagpatuloy ng 200 bansa. Dito, ipinagbawal ang paggawa at paggamit ng ozone-depleting substances (ODS).

Kabilang dito ang chlorofluorocarbons at halons na nagmumula sa mga refrigerators, air conditioners, at fire extinguishers.

Alternatibo sa ODS ang paggamit ng malinis at up-to-date na refrigerator, aircon, at ozone-friendly na fire extinguisher.

Malaking tulong din ang paglalakad, pagbi-bisikleta, at paggamit ng electric car sa tuluyang paghilom ng ozone layer.

– Ulat ni Raphael Bosano, Patrol ng Pilipino
Read More:
Patrol ng Pilipino
Raphael Bosano
ozone layer
ozone layer recovery
Montreal Protocol
ozone-depleting substances
chlorofluorocarbons
halons
ultraviolet radiation
global warming
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT