Candle bearer: Mga ilaw ng Poong Nazareno
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Candle bearer: Mga ilaw ng Poong Nazareno
Text and images by Jonathan Cellona,
ABS-CBN News
Published Jan 06, 2024 10:17 AM PHT

Imposibleng malampasan mo sila kapag nasa paligid ka ng Quiapo.
Sila ang tinaguriang “candle bearers” ng Simbahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno. Nakahilera sa labas, tila ‘frontliners’ na naghihintay ng bugso ng mga debotong lumalabas pagkatapos ng misa.
Sa papalapit na tinaguriang Pista ng Poong Nazareno, bakas sa mukha ng mga deboto ang malalim na pananampalataya. Kasama sa ritwal na ito ang pagsisindi ng kandila paglabas ng simbahan at ang taimtim na panalangin para sa kanilang kahilingan.
Samu't-saring kulay, ang iba nakabungkos kakabit ang isang gabay o guide sa bawat uri ng kahilingan na iyong ipagdadasal. Ang pula o maroon na kandila ay sinisindihan upang humingi ng tulong espirituwal, kagalingan, kahilingan at pasasalamat sa Poong Nazareno. Ang asul na kandila ay para sa ‘peace of mind’ at pink para sa love life.

Isa sa mga tindera ng kandila si Sally Bolando, 48 taong gulang.
Naging ritwal na rin kay Bolando bukod sa pagtitinda ng kandila, ang umasa sa panalangin at sagot sa kahilingan sa Poong Nazareno.
“Marami na pong nagsindi ng kandila dito. Bumabalik sila rito kasi natupad ang kanilang mga kahilingan. Bumabalik sila sa amin, nagpapasalamat, kasi natutupad ang mga kahilingan nila,“ kuwento ni Bolando.
Sa Quiapo na siya lumaki, may panahong doon siya natutulog para magtinda ng kandila nang makaipon para sa kanyang pamilya.

“Kulay puti ang sinisindihan ko lagi dito kasi yung ang paborito kong kandila. Dahil yung puti ay sumisimbolo sa kalinisan, lahat ng ano nandoon na...gabay,” ani Bolando.
Para kay Bolando, walang imposible sa Poong Nazareno. “Basta may problema lang Sir, manalangin lang sa kanya. Magdasal lang sa Mahal na Poong Nazareno. Wala namang imposible sa kanya. Lahat ay ibibigay niya."
Ganito rin ang paniniwala ng nakararami ng dumadayo sa Quiapo sa panahon ng traslacion, o prusisyon ng Poong Nazareno. Sila ay nananalangin na makaalpas sa hamon sa buhay at matupad sa bawat kandilang binibili at sinisindihan ang panalanging sinasambit.