Guinness World Record: Longest line of candles lit in relay isinagawa sa Silang, Cavite

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Guinness World Record: Longest line of candles lit in relay isinagawa sa Silang, Cavite

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA—Guinness World Record holder ngayon ang bayan ng Silang, Cavite matapos makuha nito ang "longest line of candles lit in relay".

Linggo nang ganapin ang aktibidad. Katuwang ng lokal na pamahalaan ng Silang ang Nuestra Senora de Candelaria Parish.

Nagsimula ang pagpapailaw sa simbahan hanggang sa munisipyo na aabot ng 4 na kilometro.

Mahigit 1,000 ang lumahok sa candle relay. Ang batayan para makuha ang record, dapat hindi mamatay ang sindi ng kandila.

ADVERTISEMENT

Binigyan ng tatlong attempts ang mga kalahok. Sa unang attempt namatay ang sindi pagdating sa number 32 participant.

Sa pangalawang attempt, namatay naman ang sinda ng kandila sa 121 na kalahok.

Sa pangatlo umabot ang sindi sa 621 na kalahok bago ito mamatay.

Nalampasan nito ang record ng India na 366 na kalahok kaya ang Silang ang tinanghal na bagong record holder.

Isa sa mga nagpahirap sa mga kalahok ang medyo mahangin na panahon, pero nagpapasalamat sila dahil mahirap man, nakuha parin nila ang Guinness.

Bago ang aktibidad, kinakabahan ang mga kalahok maging ang mga manonood.

Alay ang Guinness World Records na ito sa kanilang patron na si Nuestra Senora De Candelaria na ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing February 3 o ang tinatawag na kandilaria o pagbabasbas ng kandila.—Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.