Pagtaas ng matrikula kailangan sa pagbabalik ng face-to-face classes: COCOPEA
ADVERTISEMENT

ABS-CBN News
Published Feb 23, 2022 12:15 PM PHT

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MANILA – Maaaring kailanganin ng mga pribadong eskwelahan na magtaas ng matrikula sa darating na pasukan, ayon sa isang opisyal ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA).

Ayon kay Atty. Joseph Noel Estrada, ang pagtataas ng tuition fee ay ilalaan sa pagpapasahod ng mga guro at school personnel, at sa pag-aayos ng mga pasilidad ng paaralan bilang paghahanda sa limitadong pagbabalik ng face-to-face classes.

“Yung increase ng tuition, ang batas ay mayroong requirement para diyan, kung ano mang makolekta ng eskwelahan dapat 70 percent ay ipamahagi sa kanilang mga teachers at school personnel at yung 20 percent ay mapupunta sa facilities.”

“So, may control na doon, hindi ito magiging kita ng eskwelahan,” ani Estrada.
“So, may control na doon, hindi ito magiging kita ng eskwelahan,” ani Estrada.
ADVERTISEMENT
“So karamihan talaga, kung meron mang magtataas, ay ang tinitingnan talaga doon ay yong support sa ating mga teachers at school personnel. At the same time yung sa facilities ‘no, paanong gagawin natin when we transition to limited face-to-face.”

Ayon kay Estrada, ang dagdag-presyo sa matrikula ay maaaring ilaan sa retrofitting ng mga pasilidad at maya't mayang COVID-19 testing ng mga empleyado ng paaralan.

"Pag tiningnan natin, magsisimula na yung limited face-to-face, siyempre maraming mga ibang gatsusin din--halimbawa yung testing ‘no, testing ng mga ‘di nagpabakuna pero kailangan silang magreport sa school, yung mga teachers, yung mga school personnel natin."

"Alam naman natin din yung mga requirements ngayon ‘no, for safety at mga health protocols. Yung ating pagretrofit ng ating mga eskwelahan, siyempre karagdagang gastusin din yun," ani Estrada.

"Pangalawa, dahil nga bumaba yung enrollment, eh konti na lang din yung mga nagshi-share sa overall operating expenses ng mga schools kaya talagang minsan hindi maiwasan na, kung sino yung maiiwan, sila talaga yung maghahati-hati."

"Dahil talagang doon lang kinukuha ng eskwelahan ang kanilang budget eh, sa mga tuition na binabayd ng estudytante’t magulang," paliwanag niya.

Pinalawig ng Department of Education (DepEd) nitong Lunes ang application at consultation period sa mga pribadong eskwelahan na nais magtaas ng kanilang matrikula at iba pang school fees sa darating na pasukan.

Sa isang memorandum na nakapaskil sa kanilang website, sinabi ng DepEd na maaaring makipagkonsulta ang mga eskwelahan sa mga magulang hinggil sa pagtaas ng tuition fee hanggang March 30 nitong taon.

Ayon kay Estrada, mahalagang pag-usapan ang posibleng pagtaas ng matrikula dahil apektado na ang mga eskwelahan ng pagbaba ng enrollment dahil sa pandemya.

Pero aniya, naiintindihan din nila na maaari ring mahirapan ang mga magulang sa pagtaas ng mga bayarin sa paaralan.
Pero aniya, naiintindihan din nila na maaari ring mahirapan ang mga magulang sa pagtaas ng mga bayarin sa paaralan.
ADVERTISEMENT
“Tinitingnan din talaga, napakalaki kasi talaga ng problema sa resources ng mga schools, at ganoon din naman na problema nga sa mga, sa ating mga magulang din ‘no sa kanilang financial resources.”

“So kailangan talaga natin balansehin din dahil marami talaga ang mga eskwelahan, na lalo na yung mga maliliit na hindi na rin makapagpatuloy ‘no dahil walang enrollment, at yung mga nagpatuloy naman sa enrollment ay hindi nakabayad nung nakaraang taon,” ayon sa kanya.

“So apektado ang kanilang mga pasahod sa kanilang teachers at mga school personnel, at paghanda rin sa face-to-face classes, siyempre meron ding karagdagan na gastusin yan kaya talagang kailangan pag-usapan ng mga eskwelahan at kanilang mga estudyante ang bagay na ito nang mabuti.”

Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong Oktubre na nasa 865 pribadong eskwelahan na ang umano’y nagsara sa gitna ng COVID-19 pandemic.

--TeleRadyo, 23 February 2022
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT