Sekyu nahulihan ng sumpak, shabu sa Taguig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sekyu nahulihan ng sumpak, shabu sa Taguig

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Arestado ang isang security guard matapos mahuling nagdadala umano ng sumpak sa Taguig City.

Isinumbong ng isang concerned citizen ang sekyu dahil sa pagdadala di umano ng sumpak sa sa Brgy. Lower Bukod. Nakakuha ng dalawang bala dito ang mga awtoridad.

Nang kapkapan ang suspek, nakakuha rin sa kaniya umano ang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na abot sa P34,000.

Sa pag-iikot naman ng Sucat Police, nasakote nila ang 29-anyos na lalaki na may kalibre .38 na baril habang nakatambay sa isang eskinita sa Brgy. Cupang sa Muntinlupa.

ADVERTISEMENT

Walang maipakitang kaukulang dokumento kaugnay sa baril ang lalaki.

Ang mga nasamsam na hinihinalang ilegal na droga at mga armas naman ay isinumite sa SPD Forensic Unit para sa chemical analysis at ballistics examination.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.