Online portal para sa Makati vaccine certificates, ilulunsad
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Online portal para sa Makati vaccine certificates, ilulunsad
ABS-CBN News
Published Jul 08, 2021 01:24 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Isang online portal ang nakatakdang ilunsad ng Makati ngayong linggo para mas mapadali ang pagbeberipika ng fully vaccinated na mga residente nito sa gitna na rin ng usapin tungkol sa polisiya sa paggamit ng vaccine card sa interzonal travel.

“Kung kailangan niyo ng vaccination certificate pag babyahe kayo may ila-launch po kami ngayong linggo na mag-apply lang kayo online para downloadable yung certificate,” pahayag ni Mayor Abigail Binay.

Sa panayam sa TeleRadyo Huwebes ng umaga, sinabi ni Binay na kailangan lang ilagay ang pangalan sa portal at makikita na agad kung fully vaccinated na ang isang tao.

“Maganda rin na official site na kahit sino pwedeng mag check nung pangalan mo kung vaccinated ka nga,” sabi niya.
“Maganda rin na official site na kahit sino pwedeng mag check nung pangalan mo kung vaccinated ka nga,” sabi niya.
ADVERTISEMENT
Nitong Miyerkoles, sinabi ng Department of Health na pag-aaralan pa ng awtoridad ang polisiya ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 hinggil sa interzonal travel para sa mga fully vaccinated na indibidwal na kailangan lamang magpresenta ng vaccination card o certificate of isolation mula sa Bureau of Quarantine.

Ito’y matapos na umalma ang ilang lokal na pamahalaan dahil hindi man lamang umano sila kinunsulta sa nasabing resolusyon ng IATF at mahirap din na maberipika o ma-validate ang vaccination cards.

Sabi ng DOH na maaari pa rin mag require ng RT-PCR testing ang mga lokal na pamahalaan bago pumayag na magpapasok sa kanilang lugar.

“Di ho ba huli na ang lahat dahil ilang milyon na ang nabakunahan, ngayon lang tayo magbabago ng vaccination card di ba? Ang sa amin lang naman pwedeng may centralize issuing pero yung mga effort ng LGU wag naman hong aksayahin kasi kami nga po kanya-kanya nang gawa nang paraan so dapat po siguro magkaroon lang ng sistema on how to verify yung vaccination card,” sabi ni Binay.

Tulad aniya sa Makati City, ang ibinibigay nilang vaccine cards ay may watermark at QR Code pare hindi mapeke.

“Meron po yang watermark na kailangang gamitan ng black light kaya hindi pwedeng ipeke. Naisip namin yun noong umpisa pa lang na alam naming may magpepeke ng vaccination card so inayos po namin na may watermark yung card,” paliwanag ng alkalde.

- TeleRadyo 8 Hulyo 2021
Read More:
Makati LGU
Abigail Binay
Makati City
Vaccine Card
Interzonal travel protocol
COVID-19
Coronavirus
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT