Ted Failon, nagpiyansa sa kasong libelo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ted Failon, nagpiyansa sa kasong libelo

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 16, 2017 01:16 AM PHT

Clipboard

Ted Failon, nagpiyansa sa kasong libelo
iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Boluntaryong nagtungo sa Tagaytay Regional Trial Court (RTC) ang TV at radio news anchor na si Ted Failon para magpiyansa matapos magpalabas ng 'order to arrest' si Judge Ethel Gutay ng Tagaytay RTC laban kina Failon at tatlo pang staff ng programang "Failon Ngayon".

Ito ay matapos pumasa sa Tagaytay prosecutor ang kasong libel na isinampa ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino laban kina Failon.

Nag-ugat ang demanda ni Tolentino sa isang episode ng "Failon Ngayon" noong Disyembre 2016 tungkol sa umano'y kuwestiyonableng pagbili ng MMDA noong 2014 ng 18 motorsiklo na pawang mga segunda mano o second-hand.

Nagbase ang "Failon Ngayon" sa report ng Commission on Audit (COA) na kumuwestiyon sa umano'y agarang pagbili ng 18 motorsiklo ng MMDA na ginamit sa pagbisita ng Santo Papa sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Napansin kasi ng COA na hindi ito dumaan sa bidding.

Nang pumutok naman ang naturang isyu, isinauli ni Tolentino sa MMDA ang halaga ng mga biniling motorsiklo.

Isinampa ang libel case sa Tagaytay City na kilalang balwarte ng mga Tolentino.

Sa demanda ni Tolentino, sinabi niyang nasaktan siya at nabahiran ang kaniyang reputasyon sa mga kinuwestiyon ni Failon tungkol sa transaksiyon.

Inayunan naman ito ng Tagaytay prosecutor na nagsabing may "probable cause" o sapat na basehan para isampa na sa korte ang kaso.

ADVERTISEMENT

Nauna rito, hiniling ng kampo ni Failon na ilipat ng Department of Justice (DOJ) ang venue ng imbestigasyon ng prosecutor dahil malawak umano ang impluwensiya ng mga Tolentino sa Tagaytay kung saan isinampa ang demanda.

Dating mayor sa Tagaytay si Tolentino. Gayundin ang kaniyang kapatid na ngayo'y congressman doon, samantalang, kaniyang asawa naman ang kasalukuyang mayor ng siyudad.

Hindi pa sumasagot nang pormal ang DOJ sa naturang hiling hanggang sa nakarating na nga sa korte ang kaso.

Sa naunang desisyon ng prosecutor, kinikilala umano nito ang kalayaan sa pamamahayag pero hindi ito lubusan, o absolute.

Kahit na umano naka-base ang report sa mga dokumento mula sa COA at may mga interview ng mga personalidad, dapat umanong ituring na walang sala o inosente ang inaakasuhan hangga't hindi napapatunayang guilty.

Pero ayon sa abogado ni Failon, ipaglalaban nila ito sa korte.

ADVERTISEMENT

Sinubukang kunan ng panig ng ABS-CBN News si Tolentino, pati mga abogado niya, pero tumanggi silang magbigay ng pahayag o magpaunlak ng panayam.

--Ulat ni Henry Omaga Diaz, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.