2 hinihinalang magnanakaw, arestado sa Sampaloc

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 hinihinalang magnanakaw, arestado sa Sampaloc

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 17, 2021 08:02 AM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Dalawang magkahiwalay na insidente ng pagnanakaw ang naitala sa Sampaloc, Maynila kung saan arestado ang dalawang suspek.

Inabutan sa G. Tuazon Street ang isang lalaki na itinuturong nangsnatch ng cellphone sa jeep.

Nagpanggap umanong pasahero ang suspek at nang makakuha ng pagkakataon, bigla na lang niyang hinablot ang cellphone ng isang babaeng pasahero.

Nakatakbo pa ang suspek pero nahabol din ng mga tao sa lugar kaya nabawi rin ang cellphone.

ADVERTISEMENT

Isang 20 anyos na lalaki naman ang inaresto sa umano’y pagnanakaw ng bakal sa NLEX Project Construction site sa Algeciras Street.

Nagsumbong kasi ang mga residente nang makita sa likod ng riles na may buhat na bakal ang suspek.

Nagkakahalaga ng P10,000 ang mga materyales sa scaffolding na nakuha sa kanya.

Depensa naman ng suspek, ibinigay na ng contractor ang mga bakal na pinabulaanan naman ng security officer ng construction.

Parehong mahaharap sa kasong pagnanakaw ang dalawang inaresto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.