Grocery store sa Naic nilooban, suspek arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grocery store sa Naic nilooban, suspek arestado
ABS-CBN News
Published Dec 09, 2022 07:40 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Arestado ang isang akyat-bahay matapos umanong tangayin ang P15,000 cash sa isang grocery store.

Pasado alas 7 ng umaga nitong Huwebes, nakatanggap ng tawag ang Naic Police Station tungkol sa isang robbery incident.

Sa paunang imbestigasyon, nakapasok ang suspek mula sa bubong ng grocery store at lumusot sa kisame nito. Huli sa CCTV ang ginawa ng suspek kung saan sinira niya ang isang vault at kinuha ang lamang pera.

Lumabas pa sa imbestigasyon na ang 30 anyos na lalake ay miyembro ng notorious na "Akyat Bahay Gang" na naka-base sa Las Pinas.

Gumagawa 'di umano ng krimen ang kawatan sa NCR at mga lugar sa Cavite. Target ng grupo nila ay mga convenience stores, residential areas at iba pang mga establisiyimento ng negosyo.

Sasampahan siya ng paglabag sa Article 302 ng Revised Penal Code o robbery in an uninhabited place or in a private building.

Hinahanda na para sa inquest proceeding sa Cavite Provincial Prosecutor's office sa Imus City, Cavite ang suspek.—Ulat ni Champ de Lunas, ABS-CBN News