'Pinakamalaking sunog' sa Lapu-Lapu City, nagdulot ng matinding pinsala

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pinakamalaking sunog' sa Lapu-Lapu City, nagdulot ng matinding pinsala

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Hindi bababa sa 500 na tahanan ang napinsala matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Pusok, Lapu-Lapu City nitong Martes (Disyembre 12, 2023).

Ayon sa alkalde ng lugar, maaaring ito na ang pinakamalaking sunog na naitala sa naturang siyudad.

"This is the biggest fire in the history of our city," ani Mayor Junard Chan.

Dagdag ng alkalde, lagpas 20,000 residente ang naapektuhan ng sunog na umabot sa ika-4 na alarma.

ADVERTISEMENT

Nagsimula ang sunog bandang alas-2 ng hapon at idineklarang kontrolado na matapos ang dalawang oras na pag-aapula.

Isang bahagi rin ng Pusok Elementary School ang naapektuhan ng sunog.

Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa sanhi ng sunog. — Ulat ni Annie Perez

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.