Supply ng kuryente sa Guimaras, apektado dahil sa bagyong Odette

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Supply ng kuryente sa Guimaras, apektado dahil sa bagyong Odette

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA - Walang kuryente ngayon ang lalawigan ng Guimaras matapos hagupitin ng bagyong Odette.

“Wala po kaming kuryente ngayon kasi nagtumbahan na mga kahoy. Lahat ng munisipyo ngayon walang power,” pahayag ni Teresita Siason ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Guimaras.

Sa panayam sa TeleRadyo Biyernes ng umaga, sinabi ni Siason na walang masyadong ulan silang naranasan sa probinsiya pero binayo sila ng malakas na hangin.

“Lahat ng tao dito hindi nakatulog,” kwento niya.

ADVERTISEMENT

Dahil sila ay coastal province, nakapagsagawa ang Guimaras ng preemptive evacuation nitong Huwebes sa mga residenteng nakatira partikular na sa munisipalidad ng New Valencia at Sibunag.

“Hinakot namin sa mainland,” sabi niya.

Patuloy naman pinapatingnan nila ang danyos na idinulot ng bagyo sa kanilang mg pananim, partikular na popular na prutas ng mangga.

Sabi ni Siason na karamihan ng tanim na puno ng mangga ay nasa flowering stage na bago pa tumama ang bagyo.

“Naapektuhan talaga. Yung ibang mangga na puno nabuwal talaga. Pina-check pa namin at kumukuha pa kami ng report kung ilan talaga ang mga crops na nadamage,” sabi niya.

Kaugnay nito, kanilang beneberipika rin ang ulat na may dalawang nasawi sa kanilang probinsiya dahil sa bagyo.

- TeleRadyo 17 Disyembre 2021

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.