PANOORIN: Pari nag-misa sa kasagsagan ng bagyong Odette sa Tagbilaran
ADVERTISEMENT

ABS-CBN News
Published Dec 21, 2021 04:18 PM PHT
|
Updated Dec 21, 2021 09:01 PM PHT

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Hindi natinag si Father Virgilio Salas at ipinagpatuloy pa rin ang misa sa Immaculate Heart of Mary Parish sa Tagbilaran City, Bohol kahit malakas na ang hangin at ulan noong Huwebes ng gabi dahil sa bagyong Odette.

Makikita sa video ang ilang dumalo sa misa na patuloy na nananalig sa kabila ng unos.

Ayon kay parish priest Fr. Jose Cecil Lobrigas, nagtamo lamang ng bahagyang pinsala ang simbahan pero ang bahay ng ilan sa kanilang mga parokyano ay winasak ng bagyong Odette.

"Bisan sa kusog nga unos ug walay hunong nga ulan, hangin nga makusog, magpabilin kini nga dili matarug. Sama unta niini ang kalig-on sa pagtoo sa kada tawo. Pangayoon ta kini nga grasya gikan Niya," ayon sa post sa social media ng simbahan.

(Kahit sa matinding unos at walang humpay na ulan, malakas na hangin, mananatili itong hindi matitinag. Kagaya sana nito ang matibay na pananalig ng bawat tao. Hingin natin ang grasya mula sa Kanya.)

Nag-alok naman ang simbahan ng libreng charging ng mga cellphone, flashlight, battery at iba pa lalo't hirap pa rin sa kuryente ang lalawigan ng Bohol.

- Ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT