Assunta De Rossi reacts to being given ‘matronic’ roles

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Assunta De Rossi reacts to being given ‘matronic’ roles

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

102514-assunta_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, kaugnay ng kanyang upcoming movie na Beauty In a Bottle, sinabi ni Assunta De Rossi na hindi sa kanya issue ang pagtanda pero diumano sa mundo ng showbiz ay malaking issue ito lalo na sa mga producers.


Sa personal niyang karanasan, sanay na raw si Assunta mabigyan ng mga “matronics” roles tulad ng nanay o lola. Sa ganitong pagkakataon sinabi ni Assunta na she “let it slideat hinahayaan na lang niya na ang audience ang humusga. Mga netizens na raw ang nagsasabi at nagtatanong kung bakit tinanggap ang older role gayung “napakaganda at napaka-sexy” niya. Nagpapasalamat diumano si Assunta sa ganitong mga comments pero, “unfortunately, hindi naman yun nakikita ng iba. Ang tingin sa akin ng iba, ng mga producers ay matronics na.


Inamin naman ni Assunta na despite her beauty e mayroon pa rin siyang physical insecurities. “Pinanganak ako with open pores.” Lagi raw humuhulas ang kanyang makeup dahil oily ang kanyang balat. Dahil rin dito kaya laging clogged ang kanyang pores at nagkakaroon siya ng pimples.


Twelve years na silang kasal ni Congressman Jules Ledesma at ayon kay Assunta hindi niya kailangan mag-adjust sa mundo ng politika dahil “I stay in the background at nakasuporta lang ako sa kanya.” Minabuti raw niya na wag na pakialaman ang sistema ni Jules nang mapangasawa niya ito dahil politiko na ito noon pa man.


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.