Manny Pacquaio explains why he only attended 4 out of 70 sessions in Congress

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manny Pacquaio explains why he only attended 4 out of 70 sessions in Congress

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

101715-MANNY1_main.jpgOn Bandila, People’s Champ and Sarangani Congressman Manny Pacquiao was put in the hot seat and made to answer questions regarding his political career.


First off, he answers the question, “Anong karapatan ng isang Manny Pacquiao na tumakbo bilang Senador gayung nung siya’y Congressman, sa 70 sessions ay apat na araw ka lang present sa attendance?


Manny said, “Inaamin ko po yan kasi unang-una may fight ako, pag may fight ako may training ako and then ‘pag nandito naman ako focused ako sa probinsiya namin dahil may pinapagawa akong mga village, yung bahay lupa. Bumili ako ng lupa pinagawan ko ng bahay and then binigay ko sa mga pamilya na walang bahay so nakafocus ako doon dahil marami akong naging project doon, kumbaga naging busy ako doon sa distrito ko. Although hindi ako parati dito sa opisina, nandun ang mga staff ko, ina-update ako pero active ako doon sa distrito ko dahil mas kailangan nila ako doon e…”


On a follow up question from news anchor Karen Davila, she asked Manny, “Gusto ko lang malaman ‘pag nanalo ka bang Senador ganun pa rin ang sistema?


Manny answered, “Ah hindi. Bago ako nagdesisyon na tumakbo bilang Senador ay kinonsidera ko lahat dahil itong responsibilidad ko, na gagampanan ko, ay hindi biro-biro. Kumbaga nag-decide ako na tumakbo talaga ng Senador nag-usap kami ng asawa ko, kaya itong asawa ko hindi na tumakbo, si Jinkee, dahil mag-full time ako bilang public servant. Yun lang ang tanging pangarap na magsilbi sa tao at magsilbi sa Panginoon. Yun ang hangad namin.”


When asked for the bills he was able to pass in Congress, Manny said, “As a Congressman, marami tayong mga importante na bill na naipasa natin. Yung sa human trafficking at saka yung breastcare center sa mga province, all over the Philippines at yung handbook sa mga OFWS at marami pa tayong mga naipasang bill sa Congress. Ang unang naifile natin 15 and then 11.”


Manny affirmed, “Kumbaga hindi lang nila ako nakikita pero marami rin tayong nagawa kahit na bihira tayong makapasok.”



101715-MANNY1_main.jpgManny signed under the United Nationalist Alliance (UNA) party of Vice-President Jejomar Binay. Karen asked why he refused the offer of the Liberal Party, even after they told him that they have reserved a slot for him. “Nagdesisyon ako to get the UNA morning na e, papunta ako sa filing. Pero nag-open ako sa lahat. Kumbaga hindi lang talaga nagkaintindihan. Kumbaga, siyempre ang desisyon ko, yan ang conviction sa akin ng Panginoon e, na kung saan yung puso ko kailangan sundin kasi pangit naman yung dinisyunan ko pero ang conviction ng puso ko is iba. So hindi ako masaya mabuti na yung sundin ko yung ako,” Manny said.


He further affirmed his decision, “Sa akin naman, I’m not saying na masasamang tao ang… but siyempre may freedom tayo to choose kung magpili tayo siyempre kanya-kanyang latag ng plataporma ng partido, kanya-kanyang pipili. In my experience, kasi sa puso ko ramdam ko yung tao na naghihirap o dumaan sa hirap.”


News anchor Julius Babao then asked Manny, “Manny ano ang pananaw mo sa political dynasty, are you for or against it?” “Mahirap kasi magdesisyon diyan dahil unang-una kahit na magkamag-anak, nagpa-elect kasi e. Hindi naman in-appoint e. Kumbaga ang tao pumili ng iboboto nila, pwera lang siguro kung ipinilit mo ang sarili mo na siya ang maupo and then hindi na dinaan sa halalan, pwede siguro. Pero ang tao ang pumili e, kumbaga mawawala ang freedom natin kung pipigilan mo ang tao na tumakbo.”


More pointedly, Julius asked, “May pananaw kasi na nagtatayo ka na ng sarili mong dynasty dahil yung kapatid mo si Roel (Pacquiao) tatakbo, tapos si Mommy D (Pacquiao) tatakbo rin.


Actually, ang asawa ko kung tumakbo siya wala siyang kalaban, pwede siya mag-Governor, pwede siya mag-Congressman, walang kalaban. Pero nagdecide na kaming wag tumakbo dahil ang hangad namin sa politika e hindi kami magpayaman diyan o mangurakot sa gobyerno o magsamantala, kundi ang sa amin ay serbisyo dahil sa biyaya na natamo namin galing sa Panginoon. Maibalik namin ang pagserbisyo namin sa tao. Tulungan namin ang mga taong naghihirap kasi doon kami nanggaling kahit na anong laki ng perang natanggap namin sa pamilya Pacquiao, ang puso namin alam naming, nararamdaman namin ang pangangailangan ng mga mahihirap na tao dahil doon ako galing kahit na anumang yaman ko ang puso ko mananatiling mahirap katulad nila.”


Manny also confirmed the Certificate of Candidacy (COC) of Roel was accepted by the Commission on Elections (Comelec).



101715-MANNY1_main.jpgManny was also vocal that had Mayor Rodrigo Duterte of Davao decided to run for President, he would have been under his party. Manny confirmed that he talked to Mayor Duterte before he filed for COC and Manny revealed that one of the considerations of Mayor Duterte for running was whether the people wanted him to be their President as evident in the survey.


“Nag-usap kami dahil hinintay ko rin ang desisyon niya kasi Mindanaoan (kami.) Embarrassing naman sa kanya kung kapwa Mindanaoan hindi suportahan. To the last minute, nag-usap kami and sabi niya nagdecide ako na hindi ako tatakbo. Siyempre, ang gusto ng tao, ang gusto niya, naintindihan ko naman ang feeling niya kasi ang gusto niya na ang tao ang may gusto. Siyempre makikita naman sa survey na pangatlo lang siya so parang hindi talaga siya priority ng tao as President. Naiintindihan ko din siya, pero kung gusto naman ng tao na siya ang maging President makikita naman natin sa survey.


Asked whether this was the reason why Mayor Duterte didn’t pursue the Presidency, Manny said, “Hindi lang yun, saka alam niya yung malaking responsibilidad. Si Mayor Duterte kilala ko yan na tao kasi tumira ako sa Davao. Yan, napakabait na tao napaka-straight na tao at saka, pang-gobyerno talaga siya. Hindi mo siya pwedeng kausapin para ituwid ang mali. Yan, straight na tao yan.”


Manny admitted he chose the UNA party after having confirmed that Mayor Duterte is not running for President. Asked whether Vice President Jejomar Binay knows that he is only Manny’s second choice, Manny replied, “Maintindihan naman siguro niya dahil, Mindaoan si Duterte, si Binay matagal naman kami magkasama. Ang sa akin si Duterte taga-Mindanao, bihira lang magkaroon ng president sa Mindanao kung sakali at saka si Duterte, dumaan din sa hirap pareho sila ni Binay. Ang pinagbabasehan ko kasi is kung ano yung nararamdaman ko na maganda talaga na magkaroon ng lider na dumanas ba sa hirap.


Manny added, “Alam mo kahit gaano karami ang nahawakan kong pera, kung ano man ang kalagayan ko ngayon may marinig lang ako, kahit hindi ko nakikita, may marinig lang ako na ‘sir tulong naman, pahingi naman ng pera pambili ng bigas.’ Kahit hindi ko nakikita dito tumatama e, dito tumatama sa puso ko tuwing marinig ko yun naalala ko si Manny Pacquiao natutulog lang sa bangketa, na karton lang ang sapin naalala ko kaagad ang hirap ng buhay namin noon.


Asked whether this means he will help Vice-President Binay to get the endorsement of Mayor Duterte, Manny said he respects Mayor Duterte’s decision and that whatever it is, it is unswayable. “Alam mo si Mayor Rodrigo Duterte, nirerespeto namin yan kasi pag nagdesisyon yan desisyon niya talaga. Nirerespeto ko ang desisyon niya. Mas eksperyensyado pa sa Gobyerno sa atin yan e. So kung ano ang desisyon niya, yun na.”

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.