Wendell Ramos doesn’t want to talk about his last indie film | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Wendell Ramos doesn’t want to talk about his last indie film

Wendell Ramos doesn’t want to talk about his last indie film

Leo Bukas

Clipboard

103115-wendellramos_PUSH.jpgAs much as possible ayaw nang alalahanin pa ni Wendell Ramos ang huling indie film na ginawa niya na idinirek ng isang batikang director.


“Wag na nating banggitin yung title nung huli kong pelikula. Okey na yon, wala namang kuwenta,” sabi agad ng aktor na napapanood sa afternoon series na Pasion de Amor at kasama rin sa pelikulang Wang Fam nina Pokwang at Benjie Paras.


“Binayaran naman ako do’n contrary sa tsismis na hindi nagbabayad yung director,” sey ulit niya.


May insidente rin daw na hindi siya malilimutan while doing the indie film with the director.


“Nag-away pa nga kami non (director), eh. Kasi pinapagawa niya sa akin yung isang bagay na hindi naman dapat. Yung maghuhubad tapos tatakbo don sa maliwanag. Eh, ayoko ng ganu’n. Kahit pa diniliman niya yung ilaw ayoko pa rin ng ganu’n kasi ayoko ng nag-i-emote ako sa set.


“So, Sabi ko, ‘Direk, huwag n’yo naman po akong ganyanin. Unang-una, wala ho sa usapan yan. Huwag n’yo naman sinasabi na... kung alam kong ganyan yan at mahihirapan po ako, hindi ko po yan (gagawin) para pahirapan pa kayo at mag-inarte ako sa set. Kung nandito lang ho si Perry (Lansigan, manager niya), baka umuwi na kami,’” sabi niya sa director.


Pero handa pa rin naman daw siyang makatrabaho ang director kung saka-sakali.


“Wala naman akong arte. Alam mo, hindi naman ako parang mag-judge sa tao na, ‘uy, ayoko na siyang makatrabaho.’ Hindi naman tayo ganu’n. As long na babayaran tayo nang maayos at bibigyan tayo ng magandang role ulit... nasa manager ko na yan.


“Ang sa akin lang talaga, ayokong maging judgmental na... pangit magtrabaho diyan. Wala namang taong perfect,” katwiran pa ng aktor.


Biro naman ni Wendell, sa mga eksena raw na ginawa niya sa Wang Fam with Direk Wenn Deramas ay walang pilitang nangyari.


“Hindi ako pinilit kasi ako ang nagkusa,” natatawa niyang pahayag. “Pero seriously, I’m happy na makatrabaho si Direk Wenn. Ano nga ang bansag sa kanya, box-office director, di ba?


“Dyusko naman, sa dinami-dami ng mga artista, para mapasama ako dito, siyempre dapat grateful ako. At hindi lang yon, napasama ako sa magandang cast. At katulad ng sinabi niya na gandang-ganda siya sa pelikulang ito, totoo yon,” patuloy ni Wendell.


Eh, aware kaya ang actor na crush din siya ni Direk Wenn?


“Siyempre nakakatuwa naman kung ganon. Pero alam n’yo naman na kahit ngayon, kahit may nagsasabi ng ganyan, eh, nahihiya pa rin ako. Ayoko kasing ilagay sa isip ko yang ganyan kasi baka mamaya maging kumportable akong masyado, ayoko non,” sagot niya.


Wendell is looking forward na muling makatrabaho si Direk Wenn sa pelikula kaya natutuwa siya sa sinabi ng director nu’ng nagkita sila sa presscon.


“Sabi ko sa kanya, ‘Salamat Direk.’ Ang sabi naman niya sa akin, ‘Ano ka ba, hindi pa ito ang last,’ Siyempre natuwa talaga ako,” kuwento pa ni Wendell.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.