Bamboo Manalac on being part of ASAP: ‘It’s refreshing to be there’
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bamboo Manalac on being part of ASAP: ‘It’s refreshing to be there’
EJ Salut
Published Feb 14, 2015 08:49 PM PHT

Kilala si Bamboo Manalac bilang isang pribadong artist at maging ang musika niya ay hindi mo matatawag na mainstream. Nang tanungin sa Aquino and Abunda Tonight kung paano siya naka-blend sa ASAP na isang predominantly mainstream stage sinabi ni Bamboo na, “They’ve given me the balance.” Noong una daw ay pinababayaan siyang pumili ng gusto niyang kanta o areglo, at ngayon naman ay binibigyan siya ng parameters at sinasabi sa kanya na “ikaw na ang bahala.” Dagdag pa ni Bamboo, “It’s refreshing to be there.”
Mas relaxed na rin siya sa pagiging coach sa The Voice of the Philippines. May chemistry na diumano sila ng kanyang mga co-coaches at “nag-uusap kami and we hang out.” Pinakagusto ni Bamboo ang mentorship sa The Voice dahil natutulungan niya ang mga aspiring artists.

Sa pagre-record naman ng album hindi ito ni Bamboo minamadali. Ayon kay Bamboo, “I believe in the romance of making an album.” Nawawala raw kasi ang magic kapag minamadali.

Ngayon namang Valentine’s day, iiwas si Bamboo at ang kanyang pamilya sa chaos. “We do stuff on other days.”

Isang rebelasyon din na marunong magluto si Bamboo. Isa daw siyang seasonal cook. Halimbawa, kapag December ay mas nagluluto siya ng mga hearty and homey meals katulad ng baked goods and pasta. Dati rin noong stocky si Bamboo pero nang magkaroon siya ng acid reflux ay binago niya ang kanyang lifestyle.

Kahit na nae-enjoy ni Bamboo ang pagiging parte ng ASAP at The Voice at kahit na nagbibigay siya minsan ng silip sa kanyang pribadong buhay, may mga parte pa rin ng buhay ni Bamboo na hindi niya binubukas sa publiko. Ayon kay Bamboo, patuloy daw niyang poprotektahan ang kanyang privacy.

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT