Aiko Melendez doesn’t want to compare Alex Gonzaga’s ‘Inday Bote’ to Maricel Soriano’s version
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Aiko Melendez doesn’t want to compare Alex Gonzaga’s ‘Inday Bote’ to Maricel Soriano’s version
Leo Bukas
Published Mar 18, 2015 05:45 AM PHT

Ang Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga, Matteo Guidicelli, at Kean Cipriano ang itinituring ni Aiko Melendez na kauna-unahang teleserye niya sa ABS-CBN. Karamihan daw kasi sa ginawa niya sa Dos ay guest role lang at short-lived lang ang appearance niya.
“First ever teleserye ko talaga ito sa ABS-CBN and I’m very thankful kasi kinonsider nila ako for Inday Bote. Dito, mahaba na ang role ko dahil kasama ako from the beginning and hopefully hanggang matapos ang seies,” simulang pahayag ni Aiko na kapapanalo lang ng best actress, her first international award, sa International Filmmaker Festival of World Cinema London 2015 (Foreign Language category) para sa pelikulang Asintado.

“Alam mo, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala kasi nga 12 kaming naglaban-laban at yung ibang mga kalaban ko do’n mga datihan nang sumasali at nananalo do’n. Kaya talagang sobrang flattering at talagang masayang-masaya ako. God loves me talaga,” masayang kuwento ni Aiko.

Ayon kay Aiko, may taping siya ng Inday Bote kaya hindi siya nakapunta sa London para tanggapin ang kanyang award. Araw-araw ang taping niya ng serye at ayaw niyang maging cause pa siya ng problema sa set kapag umalis siya ng bansa.

“Pinadala naman nila sa akin yung trophy ko. Nasa akin na ngayon kaya mas na-feel ko yung winning nung mahawakan ko siya. Ibig sabihin talaga no’n, eh, para sa akin talaga yung award kasi kahit wala ako do’n, nandito na sa akin at ibinigay pa rin nila,” dagdag na kuwento ng aktres.

Twenty years ago pa nang huling nanalo ng best actress awad si Aiko para sa pelikulang Maalaala Mo Kaya: The Movie ng Star Cinema.

“First international acting award ko ito and for me, it’s a validation na nagustuhan nila ang ginawa ko. Sobrang thankful talaga ako. It’s really unexpected,” reaksyon pa niya.

Sa tanong naman kung paano niya iku-compare ang Inday Bote ni Maricel Soriano sa bagong version ng Inday Bote ni Alex, nagbigay din ng reaksyon ang aktres.
“Alam n’yo kasi, ginawa itong Inday Bote hindi para pagkumparahin si Nay Maria (Maricel) at Alex. Kaya nga naiiba yung treatment na ginawa ng Dreamscape dahil ayaw namin na may masasabi yung mga manonood na ‘Ay, ba’t ganun, mas magaling yung ganito o ganyan.’ Sa amin po, yung istorya namin and I think si Alex talaga ang bagay do’n.
“With due respect naman kay Nay Maria, siyempre iba pa rin ang original at iba rin naman yung atake ni Alex... Her timing is fantastic at yung pagiging natural niya, bagay talaga sa role niya,” paliwanag ni Aiko.
Inamin din ng award-winning actress na bokya ang kanyang love life ngayon.
“Wala akong love life. Zero. Eh, ‘di ba yon naman ang sabi nila, kapag suwerte ka sa work at suwerte ka sa career mo at sa kung anumang ibang aspeto, tiyak wala kang love life. Although, meron namang nagpaparamdam pero mga multo,” pabiro pa niyang pahayag.
Mapapanood ang Inday Bote araw-araw (except Saturdays and Sundays) bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN.

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT