Joem Bascon feels blessed to be part of ‘Pangako Sa 'Yo’

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joem Bascon feels blessed to be part of ‘Pangako Sa 'Yo’

Rhea Manila Santos

Clipboard

090815-joem_main.jpgAfter turning 29 last month, Joem Bascon admitted he is very happy with the way his life is going right now. The talented actor is currently busy promoting being part of the historical biopic Heneral Luna. “I'm very happy lang kasi at least nag-pa off yung hard work, minsan kailangan mong mag-pursige lang eh so ayun. Sa dami ng artista ngayon I'm happy na nandito pa rin ako. Siguro as a character actor very adventurous kasi ako sa character, lahat gagawin ko kahit anong ibigay sa akin gagawin ko siya ng buong buo. Wala na akong hihilingin. Mahalin niyo ako lahat, yun lang ang hihilingin ko (laughs). Mahalin niyo ako at magsama sama tayo kahit sobrang tanda ko na. Pag andito pa ako sa industriya tayo tayo pa rin magkakasama. Okay naman ako. Happy kami. Wala na akong hihilingin pa. I'm very happy na nandiyan na sa akin lahat,” he shared.


In Heneral Luna which opens in theaters starting September 9, Joem plays one of Heneral Luna's most trusted men. “Actually ang Heneral Luna na-shoot namin kasabay pa ng Legal Wife last year so yung post production niya is one year at the same time. Ako dito si Col. Paco Roman, ako yung right hand man ni Heneral Luna. Kasama ko dito si Archie Alemania. Bale kami yung pinaka-katiwala niya sa mga tao na kasama. Si Luna kasi minsan may bansag siya na ‘lunatiko’ kasi daw nawawala siya sa sarili? Kami yung nag-ki-keep sane sa kanya. Kami yung nagsasabi sa kanya ng, 'O, easy lang. Diyan ka lang,'” he explained.


Apart from the movie, Joem is also busy with his role as Caloy Macaspac, the older brother of Kathryn Bernardo's role in the Primetime Bida hit Pangako Sa 'Yo. “I'm happy. I'm very blessed and feeling overwhelmed with the blessings that the network is giving me. At least di ba yearly hindi tayo nawawalan ng work so I'm very happy and to be part of Pangako Sa 'Yo is such an honor. Abangan niyo kung ipagpapatuloy pa namin ni Madame Claudia yung pag-ko-connive namin, kung papahirapan pa namin si Yna or madadala na ba ako ng pagkaawa kay Yna, kung magiging kuya na ba ako sa kanya talaga. Or pahihirapan ko pa ba buhay niya,” he said.


Joem shared how it is working with one of the top teen actresses of this generation. “She's nice. Si Kathryn sobrang tahimik lang yun eh. Pero kapag nandun na siya sa character niya iba na. Pero pag nag-kuwe-kuwentuhan yung buong set like si tito Ronnie (Lazaro) yung daddy namin at si tita Amy (Austria) we're one big happy family kami dun sa buong set,” he added.



090815-joem_main.jpgAs part of the teleserye remake, Joem said his character was expanded to show more depth in the current series. “Actually connected to the original series compared dun sa yung totoong Caloy mas subtle na siya ngayon. Hindi na siya yung kontrabida. Kasi ngayon may pinakita na kaming puso, may pinakita na kaming pagmamahal sa pamilya pero at the same time pinapakita namin na minsan talaga sa isang tao dahil sa mga circumstances na nangyari sa buhay mo kumakapit ka talaga sa patalim o may mga ginagawa ka talaga na hindi mo maiisip na agad agad nung panahon na yun eh kasi kailangan mo ng pera. So gagawin mo talaga siya for your family na iniisip mo. Kahit na masama yung gagawin pero nakakatulong ka sa pamilya mo gagawin mo pa rin,” he explained.


Just like his role in the show, Joem said he also values his loved ones from his family to his special someone who is now also in showbiz. “I love my mom. I love my dad. Mama's boy ako ever since. I love my girlfriend. Happing happy ako ngayon. Right now my girlfriend nag-te-taping siya sa Doble Kara. I'm very happy that she's part of the cast. I think sana magtuloy-tuloy rin yung showbiz career niya right now because it's really her first teleserye,” he said.


Even though they have been dating for four and a half years already, Joem saidthere are no marriage plans yet. “Wala pa (laughs). May usap pero right now we're more focused sa work and gusto niya maging happy ako sa work ko. Kumbaga ineenjoy muna namin yung mga personal things na kami lang yung nakakagawa. Kasi pag tied up na kami both hindi na namin magagawa siya on a bigger scale kasi mas iisipin namin yung future namin.Ngayon pinag-iipunan muna namin yung mga kailangan,” he said.


Watch Joem Bascon in Heneral Luna starting September 9, Wednesday. Also starring John Arcilla, Epy Quizon, Mylene Dizon, Ronnie Lazaro, Mon Confiado, Alex Medina, Ketchup Eusebio, Nonie Buencamino, Leo Martinez, Arron Villaflor, and Paulo Avelino. Produced by Artikulo Uno Productions and Directed by Jerrold Tarog. For more details, log on to www.henerallunathemovie.com.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.