Claudine Barretto: ‘Stop muna kami sa annulment ni Raymart’

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Claudine Barretto: ‘Stop muna kami sa annulment ni Raymart’

Leo Bukas

Clipboard

011916-claudine_main.jpgHindi na muna matutuloy ang proseso ng annulment nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.


Ito mismo ang ini-reveal ni Claudine sa pagharap niya sa entertainment press para sa presscon ng bago niyang teleserye na joint venture ng TV 5 at Viva Communications Inc. titled Bakit Manipis Ang Ulap?


Ayon sa aktres, masaya ang personal na buhay niya ngayon. Okay na rin daw sila ng ex-husband na si Raymart Santiago at pareho silang nagdesisyon na itigil muna ang pagpa-file ng annulment.


“Hindi pa kami nag-start sa annulment. Stop muna kami sa annulment. Kasi, ano po, kami ni Raymart ngayon, we’re really very good friend now,” balita ng aktres.


“We’re really trying our best talaga to be good parents kasi nga nag-fail na po kami as husband and wife, so we don’t want to fail naman as parents sa mga anak namin. Napag-usapan namin na i-stop na lahat-lahat ng mga kaso and mag-co-parenting na lang kami sa pagpapalaki ng mga anak namin.


“And now na meron kaming naayos na foundation, strong foundation ni Raymart na sobrang solid kami talaga when it comes to our kids, napag-usapan namin na... sabi ko kasi sa kanya na ‘ano, mag-a-annulment na ba tayo, may girlfriend ka na ba?’ Sabi niya, hindi na daw siya ikakasal. Sabi ko, ayoko na rin (magpakasal).


“So, sabi niya, stop muna natin, wag muna tayong mag-annulment kasi yung kids ngayon lang nila nai-enjoy kami ulit together, paminsan-minsan, like sa school or kumakain sa labas,” dire-diretso niyang pahayag.


Pinayagan na rin daw niya ang mga anak na magpunta sa place ni Raymart lalo na noong may sakit ito.


“Pag nag-jump po kami sa annulment na yon, mabubuwag ulit yung foundation na yon. Kasi mag-uungkatan na naman, so, wala, ayaw na muna naming total wala naman siyang girlfriend, wala naman akong boyfriend at hindi na rin naman kami magkakabalikan, so okay na lang din.


“At saka magastos din. Ang dami pa naming binabayaran sa dami ng mga kaso namin,” natatawa pa niyang hirit.


Samantala, sinagot din ni Claudine ang isyu ng diumano’y pagtanggi ni Derek Ramsay na makasama siya sa soap opera ng TV5.


“Actually, hindi po talaga si Derek ang inano sa akin. We were supposed to do I think two movies tapos yon yung time na hindi ho ako nag-work. So, were were supposed to do two movies na napunta sa iba. Pero sa soap na ito, hindi po talaga kami dapat magkasama.


“Sa simula pa lang po, sinabi na talaga sa akin ng Viva na si Diether (Ocampo) ang kasama ko, kaya nagulat ako. Kasi baka yung sinasabi po nila, I think yon nga yung movie na dapat naming gagawin dati,” paglilinaw pa niya.


Bukod kay Diether, kasama rin ni Claudine sa bagong soap opera si Cesar Montano, Meg Imperial, Bernard Palanca, Dindi Gallardo at marami pang iba.


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.