Robin Padilla files complaint against Twitter user Krizzy Kalerqui | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Robin Padilla files complaint against Twitter user Krizzy Kalerqui

Robin Padilla files complaint against Twitter user Krizzy Kalerqui

Cristina Malonzo-Balane

Clipboard

051316-RobinPadilla_PUSH.jpgSa ulat ni Ginger Conejero sa TV Patrol, lumapit ang aktor na si Robin Padilla sa National Bureau of Inverstigation (NBI) para tulungan siyang hanapin ang naninira sa kanya sa social media. Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Rudolph Jurado, nagpasa ng complaint request si Robin para hanapin ang social media user na si @krizzy_kalerqui.


Nagkomento sa picture ni Robin si @krizzy_kalerqui na election offence diumano ang larawan na pinost ng aktor. Dapat din daw ikulong si Robin dahil lahat ay sakop ng batas. Ang tinutukoy ni @krizzy_kalerqui ay ang larawan ni Robin ng isang sample ballot na nakashade in ang kanyang sinusuportahang kandidato.


Ayon sa kampo ni Robin, libelous sa ilalim ng Cyber Crime Prevention Act ang komento ni @krizzy_kalerqui. Paglilinaw din ni Atty. Jurado na hindi totoo ang akusasyon ni @krizzy_kalerqui at wala ring violation na ginawa si Robin. “Una, yung ballot is not an official ballot and it was not taken inside the polling precinct. Take note also na hindi naman talaga nakaboto si Robin.”


Nawalan ng karapatang bumoto si Robin dahil sa pagkakakulong niya noong 1994 dahil sa kasong Illegal Possession of Firearms.


Personal ang laban na ito para kay Robin dahil naungkat ang kanyang pagiging ex-convict, isang bagay na kinailangan pang ipaliwanag ni Robin sa kanyang anak. “Kailangan ko pang ipaliwanag sa anak ko na ‘Anak, wala pa akong voting rights. Anak, wala akong civil rights. Anak, ex-convict ako.’ Ang hirap sabihin non.”


Paalala pa ni Robin, “may sinabi tayong maging responsible po tayong totoo. Ang sinasabi natin hindi ko po inaalis sa mga tao na maging revolutionary tayo, ipaglaban natin kung ano yung gusto natin. Pero bago po tayo makarating dun, kailangan maging totoo po muna tayo.”


Pursigido naman si Ronald Aguto, Chief and Head Agent ng Cyber Crime Division ng NBI, na tulungan si Robin. “It will be very challenging but that's what we’re going to do. We’re going to put a real name or an identity on the name.”

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.