Joseph Marco admits he still likes Alex Gonzaga ‘very much’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joseph Marco admits he still likes Alex Gonzaga ‘very much’

Leo Bukas

Clipboard

091616-JosephMarco_main.jpgPagkatapos makasama ni Joseph Marco siAlex Gonzaga sa teleseryeng Pure Loveng ABS-CBN, aminado ang actor na na-miss niya ang ka-love team. Sa Pure Love nabuo ang SefLex tandem nanagkaroon na rin ng maraming supporters.

Sa pelikulang My Rebound Girl ng Regal Films na showing on September 28 ay sabayna ilu-launch ang movie career nina Alex at Joseph.

“Buti na nga lang po may movie na angSefLex, masaya na ulit yung mga supporters namin,” masayang pahayag ng binata.

Ano nga ba ang na-miss niya kay Alexnu’ng wala pa silang movie project?

“Nakakatuwa siya, passionate siya sawork kahit may problema siya. Magaan siyang kasama, eh, ako pa naman ang gustoko sa tao yung mature, yung kayang dalhin ang sarili pag may problema,”pagtatapat ng binata.

Ayon pa kay Joseph, nagparamdam dawsiya noon kay Alex habang magkasama sila sa PureLove pero hindi na raw niya ito tinuloy.

“Nagparamdam ako sa kanya noon peronakita kong hindi pa siya ready, so nirespeto ko yon. Sabi ko, maybe in time.And right now, okey naman kami.”

Ipu-pursue na ba niya ang panliligawkay Alex?

“I’m not closing my doors. I likeAlex, I like Alex very much,” matipid niyang reaksyon.

“Nung ginagawa namin yung film,excited akong magsyuting, excited akong makita siya. Right now, hindi natinmasabi, eh. Whatever it is na ibibigay niya sa akin, I’ll respect it.

“Pero ako, sabi ko nga sa kanya,andito lang ako, while I’m single so you’ll never know what’s going to happen.”

Four years na palang walang girlfriendngayon si Joseph.

“Oo, matagal na rin. Dating-dating,pero alam mo yon, walang ano… Pag may dumadating, sige let’s hang-out with myfriends, ganu’n, pero minsan hanggang do’n lang, eh. Never akong nakipag-datena kaming dalawa lang. Do’n pa lang sa friends ko na kasama niya, nakikita kona hindi ito magtatagal, na hindi ito yung babaeng gusto ko,” kuwento pa niJoseph.

Handa ba siyang dumaan sa butas ngkarayom sa panliligaw kay Alex if ever?

“Yon nga, eh, sabi ko, ready ba akodito? Hindi ko alam, hindi ko alam. Pero ako naman kasi, once nanligaw ako,kahit gaano pa kahirap I wouldn’t mind. Kasi if I like the girl, magtitiyagatalaga ako. Pero ayoko ring ipilit yung sarili ko to the point na naipagsisiksikan ko ang sarili ko para magustuhan niya ako. Ayoko naman ngganu’n.

“Kasi in evey relationship it shouldbe mutual para both parties masaya,” katwiran ng actor.

Hindi kaya pang-promo or publicity langng My Rebound Girl ang ipinapakitanilang closeness ngayon ni Alex?

“Well, I don’t really mind kungsabihin man nila yon. I mean, I don’t care about it. Me, I’m just being me.We’re here to do whatever is to be done. We’re both genuinely being ourselves.Walang gamitin or whatever,” paniniguro ni Joseph.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.