EXCLUSIVE: Christian Bables admits he has acting offers from rival networks | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
EXCLUSIVE: Christian Bables admits he has acting offers from rival networks

Leo Bukas
Published Jan 20, 2017 05:50 PM PHT

Certified Regal Baby na ang 2016 Metro Manila Film Festival Best Actor para sa Die Beautiful na si Christian Bables. Pumirma siya ng exclusive four-picture contract sa Regal Entertainment owned by Mother Lily and Roselle Monteverde.
Nakilala si Christian sa pag-ganap niya bilang si Barbs, ang best friend na transwoman ni Paolo Ballesteros sa Die Beautiful. May nagbago na ba sa buhay niya after MMFF?

“Wala naman po. Ayos lang, ganu’n pa rin naman. Medyo dumami lang yung opportunities,” kuwento ni Christian sa Push.com.ph.

Ayon sa binata, hindi naging madali ang kanyang journey bago napansin ng Regal para i-cast sa pelikula and eventually manalo ng best supporting actor sa 2016 MMFF.

“Five years po akong aral nang aral ng acting since 2011. Tapos napansin nina Ms. Roselle, ni Mother Lily kaya yon.”
“Five years po akong aral nang aral ng acting since 2011. Tapos napansin nina Ms. Roselle, ni Mother Lily kaya yon.”
ADVERTISEMENT
Inamin din ni Christian na pangarap niya noong maging part ng Star Magic kaya pinili niyang doon mag-workshop. Nag-apply din daw siya sa Star Magic pero hindi nakapasa.

“Opo. Ilang beses din pero laging hindi nakukuha. Pero do’n ko po napatunayan na may kanya-kanya talaga tayong panahon at may kanya-kanyang path.

“Kasi, dati nung hindi ako natatanggap sa Star Magic, parang sabi ko, ‘ah, parang wala namang gustong tumanggap sa akin, parang ayaw nila akong lahat.’ Tapos siyempre, nung hindi ako nakukuha, nawalan na akong kompyansa. Tapos nung pini-present nila ulit ako, ayaw ko na kasi natatakot na ako,” sey pa ng actor.

Parehong may offer ang dalawang giant TV networks kay Christian, pero pinag-iisipan pa raw nilang mabuti kung ano ang tatanggapin.

“Ngayon po nasa masusing pag-aaral. Ang natatanguan pa lang po namin ay si Ms. Roselle at si Mother Lily kasi ever since, nung after ko pong manalo, sinabi ko na talaga sa mga managers ko na gawin naming priority sina Mother Lily kasi sila po yung unang nagtiwala sa akin. Nung walang gustong magtiwala, eh, itong si Ms. Roselle yung nakakita na kaya kong gawin.

“Actually, parehas okey, eh. Ang gaganda ng offer po nung dalawa (network). Nagga-gather lang po ng advices kung papaano at kung ano yung tatanggapin namin,” pagtatapat niya.

Part din daw ng konsiderasiyon niya sa pagpili ng TV network na pagtatrabahuhan ay ang mapasama sa teleserye.

“Opo. Bale, both naman po maganda yung offer.”

Pagkatapos maging sidekick ni Paolo sa Die Beuatiful, bida na si Christian sa pelikula ni Chito Roño. Nakausap na rin daw niya ang director sa kanilang look test at excited siyang makatrabaho ito.

“Lalaki na po ako sa gagawin kong pelikula. Pero hindi ibig sabihin non na hindi na ako tatanggap ng gay role. Okey pa rin po ako sa gay roles basta yung mas challenging kesa sa una kong ginawa,” kaswal niyang pahayag.

Sa pelikula ni Direk Chito, gagampanan ni Christian ang role ng isang probinsyanong maraming hugot sa buhay.

Read More:
Celebrity
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT