'Citizen Jake' ni Mike De Leon umurong na sa pagsali sa 2017 MMFF

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Citizen Jake' ni Mike De Leon umurong na sa pagsali sa 2017 MMFF

Jeff Fernando

Clipboard

Sa lumabas na statements ng award-winning director na si Mike De Leon sa pagpu-pullout ng kanyang pelikulang Citizen Jake sa 2017 Metro Manila Film Festival hopefuls, nagbigay pahayag ang panig ng MMFF EXECOMM at tinalakay na rin ang iba pang issues na inungkat ni direk Mike.

Si MMFF Media Relations officer Noel Ferrer ang nagbigay ng reaction ng EXECOMM tungkol sa mga naging pahayag ng veteran director.

Sa huling pakikipag-usap natin kay Ferrer sa telepono, sinabi nito na nag-reach out na siya at ang MMFF kay direk Mike De Leon at “patay na ang sunog” (meaning naayos na ang issue) at naghahanap na ngayon ng ibang playdate si De Leon para sa Citizen Jake movie at nais nila na bago ang MMFF ay maipalabas na ito sa mga sinehan.

Wala naman sagot ang mga former members ng MMFF sa mga tawag at text messages natin sa kanila.

ADVERTISEMENT

“Naglabas ng saloobin si Direk Mike de Leon sa social media account ng Citizen Jake tungkol sa hindi nila pagsali sa Metro Manila Film Festival. Sa kanyang statement, may nabanggit tungkol sa allegasyong ‘corruption’ sa proseso ng pagpili ng mga official entries.

“Bilang tagapagsalita ng MMFF, agad akong nag-reach out nang pribado kay Direk Mike de Leon who stands by his statement at ipinarating ko sa kanya na it is in our best interest din na malaman ang anumang ‘anomalya’ sa mga proseso sa MMFF so we can act on them accordingly.

“Ang award-winning direktor na rin ang nagsabi na huwag nang palakihin ang sunog at icoconcentrate na lang niya ang efforts para maghanap ng mas angkop na playdate para sa Citizen Jake.

“Nakapagdesisyon na si Direk Mike na hindi isali ang kanyang pelikula at iginagalang naman yun ng pamunuan ng MMFF.”

Meanwhile, sa mismong thread ni Direk Mike, nagcomment ang producer ng Sunday Beauty Queen na si Chuck Gutierrez kung bakit hindi pa pinapangalanan ang bumubuo ng Selection Committee ngayong taon.

ADVERTISEMENT

“Napagkasuduan kasi ng Selection Committee at ng MMFF Execom na sa announcement na ng eight official entries ipapakilala ang mga pumili ng mga lahok para maiwasan ang unnecessary pressure at undue influence.

“Haharapin ng Selection Committee ang general assembly sa presscon na gaganapin sa November 17 sa Club Filipino,” pahayag nito.

At dahil nag back out na ang Citizen Jake sa listahan ng 2017 MMFF hopefuls, narito ang updated list ng mga pelikula na pagpipilian sa apat na natitirang slots para sa festival na magkakaroon ng announcement sa November 17.

1. Ang Larawan (musical), directed by Loy Arcenas -- From Culturtain Musicat Productions, starring Rachel Alejandro, Joanna Ampil, and Paulo Avelino, with Nonie Buencamino, Celeste Legaspi, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Menchu Lauchengco Yulo, Sandino Martin, Cris Villonco, and Aicelle Santos

2. My Fairy Tail Love Story (fantasy-romance), directed by Perci Intalan. From Regal Entertainment, starring Janella Salvador and Elmo Magalona

ADVERTISEMENT

3. Deadma Walking (comedy), directed by Julius Ruslin Alfonso. From T-Rex Entertainment, starring Joross Gamboa, Edgar Allan Guzman, Dimples Romana, Candy Pangilinan (Candiva Lacrofasia), Bobby Andrews (Robert Andrews), Ricci Chan, Patricia Ismael, Nico Antonio, Jojit Lorenzo (Utoy Lorenzo)

4. Siargao (romance-drama), produced and directed by Paul Soriano. From TEN17p Productions, starring Jericho Rosales, Erich Gonzales, and Jasmine Curtis Smith

5. Haunted Forest (horror), directed by Ian Loreños. From Regal Entertainment, starring Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas, Maris Racal, with Jerald Napoles (Je Guillen Napoles), among others

6. Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina (drama), written and directed by Arlyn Dela Cruz. From Blank Pages Productions and MelDa Film Productions, starring Elizabeth Oropesa, John Estrada, and Ara Mina. Also starring Akihiro Blanco, Elijah Canlas, Kyrshee Grengia, Jeffrey Santos (Yerffej Sotnas), Joel Saracho, Jemina Sy, Simon Ibarra, Joyce Peñas, Althea Villanueva, Kaiser Boado, Ruth Alferez, Jun Nayra, and John Robin.

7. Madilim ang Gabi (drama), written and directed by Adolfo Borinaga Alix Jr. Starring Phillip Salvador and Gina Alajar

ADVERTISEMENT

8. Second Coming (horror) -- directed by Jet Leyco. From Reality Entertainment, starring Jodi Sta. Maria and Marvin Agustin

Read More:

Citizen Jake

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.